TWO-GETHER
Kapag totoo yung pagmamahal na nararamdaman mo para sa isang tao, mahirap daw itago, mahirap pigilan. Oras lang ang katapat, at lalabas din lahat. At kung para talaga kayo sa isa't isa, iba man ang daan na tahakin niya sayo, o ibang bus o tren man ang masakyan mo, magkikita at magkikita pa din kayo balang araw. Siguro kapag mas matanda ka na, kapag may mapagkukumparahan ka na. Kapag nasabi mo na 'ito na', o 'iba siya'. Kumplikado ang pag-ibig. Suwerte-suwertehan din lang yan. Minsan nga magbibilang ka muna ng talo bago ka manalo.
Nakakamangha lang di ba? Hindi mo talaga masasabi ang kapalaran. Akala mo yung nakakasakit ngayon, sasaktan ka na habang buhay. Yun pala magigising ka pagkatapos ng ilang taon sa katotohanan, na hindi doon natapos ang laban.
Parang sila Bamboo at Sarah. Opposites. Bukod sa magkaiba ng kinalakihan, magkaiba ng panahon ng kapanganakan. Iba ang mga naunang minahal. Nasaktan. Nanakit. Muling nasaktan. Pero, ang kinalabasan, sila pala ang magkakatuluyan.
Ang dami nilang pinagdaanan. May kinailangan silang iwan, at may mga pagkakataon na kinailangan din nilang maiwan. Para pala isang araw, sa isa't isa pa rin sila babagsak.
"Ok ka lang?" Tanong ni Sarah kay Bamboo. Hindi siya binibitawan nito mula pa nang makapasok sila sa eroplano.
"Oo. Why?"
"Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita, at kanina ka pa din sa akin nakakapit." Natatawang sabi nito habang tinatapik niya ang kamay ni Bamboo na nakahawak ng mahigpit sa leg niya.
"Sorry."
"Ok lang." Natatawa niyang sagot dito.
"I was really nervous." Humarap siya kay Sarah. "So, you're really here with me, right?" Hinawakan sa mukha at balikat si Sarah. "Natakot talaga ko." Ag sabi niya pagkatapos yakapin at halikan sa ulo ang fiance.
"Sabi ko sayo di ba darating ako?"
"When I saw your dad, I just couldn't think of any good reason bat siya nandon. I just talked to him before that, sa studio, and he said, no way na sasama ka. I was kinda brought back to that scene. That was all I could think of. I almost shouted at him. Thank God, I was able to control myself."
"Ok na....nandito na ko. Hindi ako mawawala."
"But how? How did you make him do that?" Ang malambing niyang tanong niya habang nakapatong ang baba niya sa balikat ni Sarah.
"Basta sinabi ko mahal kita."
"Yun lang?"
"Siyempre, madami pa. Pero huwag na natin pagusapan."
"Galit pa din sa akin?"
"Sobra." Nakangiting sagot sa kanya ni Sarah.
"I see."
"Uy, natakot siya. Mahal mo ko talaga?"
"Sobra." Kiniliti niya pa ito ng pasorpresa na ikinatili ng dalaga. "Sshhhh...."
"Ikaw kasi..."
"Mahal mo ko?" Tanong niya habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Sarah. Pero hindi ito sumagot. "Ano?"
"Secret."
"Whaaat?" Kiniliti niya ulit ito. Sunod-sunod.
"Huwag. Sige ka sisigaw ako...lilingon sila dito....Bamb....." tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ni Sarah....pagkatapos ay tawa sila ng tawang dalawa.
"Ang saya saya ko...." Ang sabi niya matapos siyang tumahimik sa pagtawa. May luha sa mga mata niya. "Sobra." Halos hindi na lumabas ang salitang yun sa bibig niya dahil tuluyan nang tumulo ang luha niya. "Natakot din ako." Umiiyak niyang sinabi. "Natatakot ako." Inulit niya ng napakahina. "Ang saya saya ko." Dugtong niya habang nasa dibdib na siya ni Bamboo. Yakap na siya nito ng napakahigpit.
"Me too." Ang sabi ni Bamboo habang magkayap sila ni Sarah. "Remember this day, this moment na para tayong baliw, tatawa, tapos iiyak. This is the last time na matatakot ka. Because I will never give you any reason to. I will never hurt you. I will never leave you. Ok, baby?"
SHE and DD
Pumasok ang daddy niya sa dressing room during their last break on Wednesday, habang naghahanda siya ng mga dadalhin niya para sa pagalis.
"Sabi ng mommy mo kausapin daw kita." Umupo ito sa sofa kung saan nakalagay ang mga gamit na itinabi niya para dalhin.
Hindi siya nagsalita. Hindi dahil nagmamatigas siya. Hindi niya lang alam paano sabihin....ulit....na nakapagdesisyon na siya. Pakiramdam niya, bawat bitawan niyang salita tungkol sa napili niyang gawin ay nakakasakit sa kanila.
Tumayo ang ama at sinara ang pinto. "Aalis ka talaga? Hindi ka na mapipigilan?" Narinig niyang sabi ng ama.
"Hindi mo ako kakausapin?" Papalapit na ulit sa kanya ang ama. Hindi niya na mapigil ang mga luha. Mabilis niya itong pinunasan nang hindi nagsasalita.
"Hindi mo ba dadalhin ito?" Nakita niyang hawak ng ama ang kuwintas na regalo sa kanya ng mga magulang nang noong 15th birthday niya. Isang napaka-simpleng 14k gold necklace na may pendant na letter S. Naalala niya pa na yun ang kauna-unahang beses na nakatanggap siya ng mamahalin na regalo mula sa magulang. Yun ang kauna-unahang alahas na masasabi niyang kanya lang, kaya sobra sobra ang pasasalamat niya nang matanggap yon. Pero para sa mga magulang niya, hindi pa daw sapat yon para pasalamatan siya sa lahat ng sakripisyo na ginawa niya para sa pamilya.
Bumalik lahat sa alaala niya ang hirap na pinagdaanan ng kanilang pamilya. At kung paanong dahil sa tinamo niyang tagumpay sa pagiging singer ay nagbago unti-unti ang buhay nila. Kung hindi marunong magpalago ng pera ang mga magulang niya, hindi sila makakaahon ng tuluyan sa kahirapan. At malaki ang pasasalamat niya sa mga magulang.
Kinuha niya ang kuwintas sa kamay ng ama. "Dadalhin ko po." Sunud sunog ang pagpatak ng mga luha sa mata niya. Pinunasan ng ama ang mga luha niya sa mata na lalong nagpaiyak sa kanya.
"Sorry, daddy......Sorry." Niyakap niya ang ama. "Mahal na mahal ko po kayo. Ayoko pong saktan kayo. Ayoko pong labanan kayo." Ang sabi niya habang panay ang hikbi sa pagiyak. "Sorry po, daddy."
"Alam ko, anak. Ilang taon mo na yan pinapatunayan sa amin ng mommy at mga kapatid mo." Narinig niyang sabi ng ama na hindi na din mapigilang umiyak.
Patuloy ang pag-iyak ng mag-ama. Sa pagkakataon na yon ay para bang isang batang umiiyak si Sarah sa ama.
"Sigurado ka bang mahal mo siya?"
"Opo. Mahal na mahal."
"Mukha nga, anak. Sinusuway mo na ako ngayon. Dati naman, ako ang mas mahal mo kesa sa kung sinong lalaki diyan." Umiiyak na tanong ng ama sa anak.
"Daddy....." Sagot niya na parang nagdadabog at umiiyak na bata.
"Biro lang. Biro lang."
"Mahal ko siya gaya ng love sayo ni mommy." Kumalas sa pagkakayakap si Sarah sa ama.
"Mahal pa ako noon hanggang ngayon. Patay na patay pa din sa akin."
"Alam ko." Natatawa sagot ni Sarah habang patuloy pa din ang luha sa pagpatak sa mga mata niya.
"Sigurado ka na talaga? Kilala mo na ba talaga siya? Habang buhay ang kapalit ng desisyon na yan, anak."
"Hindi pa ko naging sigurado ng ganito, daddy. Mabait siya. Kapag nakilala mo pa siya ng husto, magugustuhan mo din siya. Inaalagaan niya ako. Importante ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko."
"Paano yung dati niyang asawa? Paano yung mga anak niya."
"Dati niya pa ding asawa, at mga anak niya pa din."
"Alam nila?"
"Alam na nila."
"Paano kung magulo?"
"Aayusin."
"Paano kung ayaw nila sayo?"
"Papaturo ako kay Bamboo. Kasi ayaw niyo din sa kanya, di ba?"
"Basta, sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo na. Babawiin kita sa kanya." Niyakap niya ang ama.
"Huling beses ko na sayong sasabihin ito, Sarah. Huwag ka nang umalis."
"Daddy, huwag ka nang mag-alala. Hindi niya ko pababayaan."
BINABASA MO ANG
A Fangirl in Love
FanfictionBecause Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!
