Madami daw mukha ang pag-ibig. Pero bakit dalawa lang ang kilala naming magkakaibigan? Ang una, yung bawal. Ang pangalawa, yung masakit.
"Masyado daw akong possessive hindi naman daw kami. Pero bakit lagi niya kong pinupuntahan sa classroom, tapos kinikilig din siya kapag tinutukso kami ng mga classmates ko? Napaka-ipokrito!"
Kanina pa naglilitanya si Meg tungkol kay Ramil. Nag-away silang dalawa. At dahil iyak ng iyak sa kanya, ang malditang Len ay hinila si Meg papunta sa condo ko.... para maginuman.
May dala silang lechon manok, tequilla, 6 cans of beer, at napakadaming junk food.
Two days ang leave ni Len. Pero bukas pa sana magstart. Hindi niya lang maiwan si Meg kahit nasa condo ko na. Napasarap na din kasi ng inom ang loka.
"O! Sige uminom ka pa." Sige pa din ang pagpapainom ni Len sa lasing na si Meg. Isang shot na naman ng tequilla ang gusto niyang laklakin ng bata. Konti na lang, mauubos na nila ang alak.
"Ikaw, Nix?"
"Umiinom ako." Pinakita ko sa kanya ang hawak kong beer in can. Kanina pa 'to. Hindi ko pa din nauubos.
Sayang at wala si Berna. Siya sana ang aawat dito kay Len. Nagpapahinga kasi para malakas siya sa Concert bukas. One week pa lang kasi amg surgery niya.
"Hindi ka na makakauwi, Meg. Papatayin kami ng lola mo pag nakita kang ganyan."
"Hindi naman halata ah." Halos magsara na ang mata ni Len. Hindi nakakapagtaka na hindi niya napansin ang pamumula ni Meg. Sarili niya nga hindi niya ma-control.
"Anong hindi halata? Eh mukha siyang mansanas na bagong harvest!"
"Green or red?"
"Tapos ate, parang siraulo! Nakipagbreak sa akin. Eh di ba nga sabi niya, hindi naman kami mag-on? Eh anong ibre-break niya?" Maingay na umiiyak si Meg. Parang bata na bumagsak sa isang major subject, at sinisisi ang iba imbes na sarili niya.
"Sinabihan ka na ba niya ng 'I Love You'?" Paguurirat ni Len habang naglalabas na naman ng yelo sa fridge. Ako naman ay nasa tabi ni Meg na taga-abot ng tissue.
"Hindi pa."
"Ay tanga, eh di hindi nga kayo!"
"Len, ang ingay na nga umiyak oh. Gatong ka pa ng gatong."
"Sino pa magsasabi sa kanya ng totoo kundi tayo din! Ubusin mo na yan, Nix!! Ang dami pa beer!"
"Oo nga, Meg. Medyo off." Sabi ko kay Meg habang inaabot ko mula kay Len ang bagong can of beer na galing sa ref.
"Pero sabi niya mahalaga ako sa kanya. At saka ako lang naman lagi niyang kasama. Walang iba. Nagkiss na nga kami, eh!"
"Meg, hangang ngayon ba hindi mo pa din alam na hindi lahat ng naghahalikan ay nagmamahalan, at hindi lahat ng nagnamahalan, nagkakatuluyan? Exhibit A - Ate Nix mo." Turo sa akin ng lasing na din si Len.
"Eh bakit pati ako kasali?"
"Sino pang magandang example dito kundi ikaw? Feeling ko nga ginaya ka ng bata. AshBoo lang yan ng AshBoo dati. Nagkalovelife ka lang, nagkalovelife din siya."
"Mas nauna ako kay Ate Nix. Matagal ko nang kilala si Ramil." Napatingin kami pareho ni Len kay Meg.
"Aba malanding bata ka! Paano? Wala kaming oras makipagdate dahil sa AshBoo, well except kay Nix." Sabay tingin sa akin na nakataas ang kilay. "Tapos ikaw matagal ka na pa lang may kinakarir na lalake?"
"Matanda na ko, Ate."
"Anong matanda? Anong tawag sa amin kung ganon?"
"I mean, nasa age ako na maiinlove talaga. Hindi yun maiiwasan. Wait, Ate. Tapos na yun. Nainlove na nga ako. Nasasaktan na nga ako. Binabalik mo pa sa umpisa. Nakakainis ka naman!"
BINABASA MO ANG
A Fangirl in Love
FanfictionBecause Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!
