Encounters

914 11 0
                                    

"Ang sakit na ng ulo ko Len. Mauuna na ko."

Pagsisinungaling ko kay Len. Actually kaya ko pang uminom, magbreak dance, at mag-rally kung kailangan. Ayoko lang maabutan nina Berna. 

"Anong masakit ang ulo? Eh nagyoyosi ka nga ngayon. Bakit ba? Ok ka naman kanina." Sagot niya habang nakapamewang sa harap ko.

No smoking sa lahat ng establishment sa mall. Kaya nagpunta muna kami sa parking area. At least dito puwede magsmoke.

"Kailan ba nagaannounce ang sakit? Kailangan ba niyang magtext para malaman ko na ganitong oras sasakit ang ulo ko?"

"Pilosopo mo!"

"Gusto ko na ngang umuwi."

"Tumigil ka na nga.  Magkwekwentuhan pa tayo nila Berna. Tsaka andon pa gamit namin ni Meg sa condo mo."

"Eh pwede naman kayong pumunta don after niyo dito. Or sabay sabay na tayo. Tara na."

"Sabay sabay tayo, pero mamaya. Ano ka ba? Najejebs ka ba? Madaming CR dito. Dito mo na lang ilabas yan."

Wala na kong maisip na dahilan. Kung sabihin ko naman ang totoong reason, hahaba pa lalo ang gabing ito. At san naman ako maguumpisa? Kaya nagdadasal na lang ako na sana hindi kami sundan dito nila Berna. I'm sure kasama niya sina Mica. Ayoko muna silang makita. 

"Sinabi mo ba kay Meg na andito tayo?" Pero ang gusto ko talagang itanong kung sinabi niya kay Berna na andito kami, kaya lang baka makahanap siya ng connection. Magaling kami sa mga ganyan - assumptions, connections, etc. 

"Hindi pa pala. Itext ko nga."

"Huwag na. Puntahan mo na lang. Dito muna ko."

"Baka iwanan mo kami."

"Marunong naman kayo pumunta sa condo di ba?"

"NIX!!!!"

"Hindi nga. Yosi muna ko dito. Tawagan mo na lang ako kung nasan kayo. Ako na lang pupunta sa inyo."

"Grabe ang detalye magutos. Huwag kang uuwi ha. Promise?"

"Parang bata? Takot maiwan? Promise. Sige na."

Pero hindi na nakalayo si Len. 

"Asan si Meg at Karen? At anong ginagawa niyo dito? Kanina pa ko tumatawag sayo Nix." Tanong ni Berna mula sa kabilang row ng mga kotse. 

Ayan na ang kinakatakot ko....ang iniiwasan ko. Ayan na SILA. Kasama sina Mica at ang nameless na GF niya hanggang ngayon. 

"Nasa CR si Meg. Di niyo ba nakita? Si Karen, hindi ko pa nakikita, baka umuwi na." Sagot ni Len.

"Bakit di ka sumasagot?" Tanong ni Berna sa akin. 

Sinilip ko ang phone ko.  5 missed calls. 4 galing kay Berna. 1 galing kay Mica. "Nakasilent eh."

Bakit kasi ang bagal bagal ni Len kumilos? Naabutan tuloy kami dito. Naistorbo tuloy ang page-emo ko. Gusto ko sanang ituloy lang ang pagyoyosi para mailang sa amoy ang mga bagong dating, para makaisip lumayo, pero pinapatay ni Len ang yosi.

"Ay, oo nga pala. Si Mica...kilala niyo na siyempre. Ito naman, ay dapat pala English. Alexa, these are my friends, Len and......"

"Ateeeeeeeeee! Bakit niyo ko iniwan?" Sabi ng napapanic na si Meg habang nasa kabila din siyang row ng mga sasakyan. 

"Alam mo naman san tayo nagpark kanina." Sagot ni Len. 

"Alexa this is Meg, our youngest."

"Hello." Pagbati naman ni Meg. 

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon