If I Ain't Got You

1.6K 27 24
                                        

"Falling in love is like jumping off a really tall building. Your head tells you, 'no idiot, you're gonna die', but your heart tells you, 'don't worry baby, you're gonna fly." - Anonymous

Boy Abunda: Sa pakiusap nina Bamboo at Sarah ay wala po akong nakunan na kahit isa sa kasalalang naganap. Hindi po talaga ako invited. Nalaman lang nila Sarah at Bamboo na nasa LA ako kaya nagmagandang loob silang papuntahin na ang inyong lingkod sa mismong kasal nila, sa pakiusap na hindi kukunan ng kahit ano ang nasabing okasyon. 

Ang inyong nakikitang video clips at mga litrato ay ang tanging maaari lamang ipakita sa telebisyon na nanggaling na din sa side nila Bamboo at Sarah. Nagpapasalamat tayo sa mag-asawa dahil hindi sila nagdamot. Kahit alam naman natin na si Bamboo ay sadyang malihim pagdating sa mga ganitong bagay. Nag-aadjust siya para kay Sarah talaga. 

Nakatulong din na hindi ako naging abala sa pagkuha ng litrato or videos, dahil mas naramdaman ko na bahagi ako ng kasalan na napakasimple pero damang dama ang pagmamahalan. 

Kris Aquino: Boy, alam na ba nila kung sino yung mayari ng @OhNoYouDidnt ba yun na account sa instragram? Yung nagpalabas ng mga unang videos at photos kaya kumalat na kasal na sila?  

Boy: Tinanong ko sila off-air pero ayaw na nilang magcomment tungkol dito sa account na ito dahil wala naman daw silang balak na i-deny ang kasalan. Hindi lang daw nila gustong ipagsabi ito nang hindi pa tapos. Ang pakiramdam ko Kris ay kilala nila ang mayari ng account pero ayaw na nilang pagusapan. 

Kris: Totoo ba Boy na umattend sa kasal ang parents ni Sarah?

Boy: Yes, Kris. Dumating sila araw mismo ng kasal. Nakakaantig ng damdamin ang napaka-emosyonal na paghatid ni Daddy Delfin kay Sarah with Mommy Divine kay Bamboo. Nag-alala pa nga daw si Sarah na baka hindi dumating ang parents niya. 

Kris: Aww Buti naman Boy. At least all's well that ends well.

Boy: Tama ka, Kris. Dahil walang magulang ang makakatiis sa anak. Totoo yan. At patunay dito sina Mommy Divine at Daddy Delfin. Nagkaiyakan ang pamilya. At nang solo nang maglalakad si Sarah papunta kay Bamboo, ay hindi na napigilang maiyak ng lahat. Bamboo was very emotional when Sarah was finally in front of him. 

Kris: Oh my God! Love, love, love!

Boy: Kung andon ka, mararamdaman mo ang pagmamahalan sa dalawa. Ang saya nila tingnan. Alam mo na itong dalawang taong ito, totoong mahal na mahal ang isa't isa.  It'd warm your heart. 

Kris: Nakakaiyak naman, Boy. 

Boy: Wala akong ginawa Kris buong kasal nila kundi ang maiyak. Hindi mo mapipigilan. Nakakatouch na mula umpisa. Maiiyak ka sa vows nila na sila mismo ang gumawa. Napakasimple lang ng kasalan, Krissy. Walang kaarte arte. Nakaputing gown si Sarah na flowing sa ibaba, spaghetti straps, nakalabas ang likod, at naka-suit si Bamboo na  almost grey na at black polo underneath. It was a garden wedding, sa napakagarbong tahanan nila Bamboo ginawa ang wedding. Makikita niyo yan sa mga pictures na binigay sa atin. It was simple yet very very romantic. 

Kris: Sino sinong mga friends ni Sarah at Bamboo ang nakapunta?

Boy: Veronique Del Rosario was there, Gary V, Erik Santos, Martin Nievera, KC Concepcion, Lea Salonga and Apl de Ap. Sila lang ang mga celebrities na nakarating dahil nga sa short notice lang talaga. 

Kris: Pero si KC sabi niya, sinabihan siya ni Sarah weekend pa lang at talagang she blocked 3 days off her calendar for that weekend pa nga daw. 

Boy: Sabi nga nila, nasabihin sila in advance pero 1 week lang daw ang grace period. Kaya madami din silang kaibigan na hindi nakapunta. 

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon