HINDI NAKAKALIPAD
Mabilis na pumasok si Joshua sa kasukalan upang maiwasan ang grupo nina Tarik. Hindi siya maaaring lumaban kapag naroon sina Angelo at Paula. Sigurado siya ng gagawing pain ang mga ito ng kanyang mga kalaban.
Ang problema niya ngayon ay kung paano maililigtas si Alsandair. Habang lumilipas ang oras na hindi ito nasasayaran ng tubig sa katawan ay nalalapit ito sa bingit ng kamatayan.
Hindi pumayag si Tarik na magpaiwan si Itoy. Alam niyang mapanganib na kalaban si Lagalag kahit pa kay Itoy na may kakaibang kakayahan.
"Nakita mo ba ang nangyari sa mga Aves?" galit ngunit mahinang sabi ni Tarik. Iniiwasan niyang marinig ni Kilyawan ang kanyang sinasabi." Mas di-hamak na magagaling at makapangyarihan sa iyo ang mga 'yan. Pagmasdan mo ang nangyari sa kanila."
" Maliwanag kanina, madilim na ngayon," pagpupumilit ni Itoy," Malaki ang bentahe ko kapag madilim ang paligid."
"Ngunit hindi isang pangkaraniwang tao ang kalaban mo," giit ni Tarik," Hindi mo ba naaalala? kung hindi dahil kay Dasig ay napaslang ka na niya."
"Kaya nga gusto kong magpaiwan dahil gusto kong ipaghiganti si Dasig," sagot ni Itoy," hayaan na ninyo ako. Alam ko na ang gagawin ko."
"Hayaan mo siyang magpaiwan Tarik," sabat ni Kilyawan na naririnig pala ang usapan. " Hanga ako sa katapangan niya. Ang ganyang uri ng nilalang ang kailangan natin."
"Ngunit lubhang mahusay si Lagalag sa labanan," sabi ni Tarik," Natitiyak kong mapapahamak siya kapag sumugod siya sa kinaroroonan nito."
"Hindi mo kailangang sugurin si Lagalag," sabi ni Kilyawan kay Itoy," hayaan mong siya ang lumapit dito. Sa paraang iyon, tiyak kong ikaw ang magwawagi sa labanan."
" Paano po siya babalik dito?" tanong ni Itoy," Tumakbo na siya sa kasukalan at nagtago."
"Mamayang pag-alis namin ay babalik siya," sagot ni Kilyawan," babalikan niya ang kanyang kaibigan."
Itinuro nito si Alsandair na nakasabit sa itaas ng puno.
"Mag-abang ka lang dito. Hayaan mo siyang lumapit at kapag nakakita ka ng pagkakataon, saka mo siya sugurin," sabi ni Kilyawan," Gamitin mo ang iyong kakayahan. Bagamat tila isang engkantado si Lagalag sa pakikipaglaban, isa lamang siyang tao at may kahinaan din. Hanapin mo ang kahinaang iyon at natitiyak kong magtatagumpay ka."
"Maraming salamat po," nakangiting sagot ni Itoy," Ipinapangako ko sa inyo, bukas pagbalik ninyo dito ay madaratnan ninyo ang bangkay ni Lagalag, yun ay kung hindi kompa siya nauubos kainin."
"Aasahan ko 'yan," masayang sagot ni Kilyawan at tinapik pa sa balikat si Itoy," Kapag ganyan ang iyong pananaw, natitiyak kong magtatagumpay ka."
Lalong sumigla ang pakiramdam ni Itoy nang marinig ang sinabi sa kanya ni Kilyawan. Para sa kanya, isang malaking karangalan ang makatanggap ng mga salitang ganoon galing sa isang engkantado na may mataas na katungkulan.
"Bakit kailangan pa natin siyang bantayan?" tanong ni Tarik na ang tinutukoy ay si Alsandair. "Bakit hindi na lang natin siya paslangin upang hindi na mangailangan ng tagapagbantay.
" Hindi lalapit dito si Lagalag kapag siya ay wala ng buhay," sagot ni Kilyawan," hayaan ninyong magsilbi siyang pain para mahuli si Lagalag."
"Paano kung makuha siya ni Lagalag?"
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
AdventureItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...