Chapter 26

3.1K 291 103
                                    

                                                                                     LABANAN

Muling pumagitna ang tagapamahala upang magsalita.

" Sisimulan na natin ang paglalaban sa pagitan ni Lagalag at ni Kalipan!," sigaw ng tagapamahala," nais ko lang ipaalam na dahil may Aradayon na sandata si Lagalag,pinapayagan ding gumamit ng kanyang sandata si Kalipan upang maging patas ang labanan. "

Lumapit si Laipan kay Kalipan kasunod ang mga alipin na may bitbit na mga sandata. Inabot ng mga alipin ang mga sandatang gagamitin gaya ng sibat, palakol at isang malaking kadena.

" Alam namin ang mga sandata mo Lagalag, kaya tatapatan namin ang lahat ng ito." sabi ni Laipan sa binata. 

Inabot din  kay Kalipan ang isang pana kasama ang ilang palaso sa isang sisidlan na kawayan. 

Huling inabot dito ang dalawang malalaking kalasag.

" Wala akong kalasag," sabi ni Joshua," akala ko tatapatan ninyo lahat ng sandata ko?"

" Bigyan ninyo siya ng kalasag para patas ang laban," natatawang sabi ni Laipan," 'yan ay kung magagamit niya ito ng kanyang dalawang kamay."

Dalawang alipin ni Laipan ang lumapit sa binata upang iabot ang mga kalasag na gawa sa makapal na kahoy ngunit tinanggihan ito ng binata.

Naisip niya, kapag hinawakan niya ang mga kalasag ay hindi na niya mahahawakan ang mga sandata na palilitawin niya. 

Napatingin siya sa kalaban at natigilan siya sa nakita.

Dahil anim na pares ang mga kamay nito, hawak nito ang lahat ng mga sandata!

Ang mga kamay nito sa pinakataas na bahagi ang may hawak sa palaso at pana, isang kamay ang may hawak ng palakol , sa kabilang kamay ang may hawak ng kadena, ang kamay sa pangatlong hanay ay may hawak na sibat at ang dalawang mga kamay sa bandang ibaba ay may hawak ng dalawang kalasag. 

Limang kamay pa nito ang walang hawak na sandata!

Tila napansin ni Kalipan ang pagtitig sa kanya ni Joshua. Mabilis na pinagpalit-palit nito ang paghawak sa mga sandata sa kanyang mga kamay na animo nag-papaikot ng roleta.

Hiyawan ang mga nanonood sa ipinakita ni Kalipan.

" Ang galing! Paano mo ngayon lalabanan 'yan Lagalag?"

" Naku,nagangamoy talo na!

"May bagong alipin na naman si Laipan !"

Muling nagsalita ang tagapamahala.

" Kung handa na ang dalawang maglalaban, pumagitna na."

Nagsimulang maghiyawan ang mga manonood.

"Kalipan! Kalipan!Kalipan!"

"Lagalag! Lagalag! Lagalag!"

"Simulan na ang labanan!" sigaw ng tagapamahala.

Halos hindi magkamayaw ang mga manonood ng marinig ang hudyat ng pagsisimula ng laban. Kanya-kanyang takbuhan sa harapan upang mapanood ng mabuti ang laban. 

Ang ilang maliliit na lamanlupa ay umakyat sa mga puno sa paligid upang makapanood.

Biglang inulos ng sibat ni Kalipan ang binata.

Nagawang makailag ni Joshua ngunit hindi pa man siya nakakabawi ay umigkas ang kadena mula kay Kalipan.

Lumundag paatras ang binata upang maiwasan ang kadena. Bago pa man sumayad ang kanyang paa sa lupa, lumitaw ang kanyang pana at magkasunod na nagpakawala ito ng mga palaso .

Ang Huling PakikipagsapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon