Chapter 20

3.5K 262 51
                                    

                                                                               UNANG PAGHAHARAP

                                     Habang nakasakay sa bus ay naisipang tawagan ni Joshua si Mario upang ipaalam dito na pupunta siya sa kanila.

Tuwang-tuwa naman si Mario ng malamang papunta na ang kaibigan.

" Okey yan Josh, para kapag nahuli yung pumatay kay Joyce, nandito ka agad. Habang wala pa, gala muna tayo. "

"Sige, tawag na lang uli ako kapag nasa bus terminal na ako," sagot ng binata. 

Naisip niyang hindi muna niya sasabihin ang tungkol sa pagkawala ni Angelo at ang nalaman niya mula sa kay Emong na naroon ang kaibigan sa probinsiya nila Mario at nasa kabilang baryo lang. Baka kung ano ang gawin ni Mario na lalong ikapahamak ni Angelo.

Kailangan niyang makita muna si Angelo bago pa malaman ng may hawak dito na ipinakulong na niya ang mga kasamahan nito. 

Habang nasa biyahe ay  hindi niya maiwasang isipin ang mga pangyayaring naganap.

Sino ang nagpadukot kay Angelo at nagtangkang magpapatay sa kanya?

May kinalaman kaya ito sa pagkakakilala niya sa pumatay kay Joyce?

Kung tungkol ito sa kaso ng pagkamatay ni Joyce, bakit kailangan siyang ipapatay gayong sa pagkakaalam niya, hindi pa nahuhuli ang mga salarin.

Isang aswang at isang taong may pambihirang bilis, saan nanggaling ang mga yun?

Sila ba ang nagpapapatay sa kanya?

Hindi kaya bukod sa pagiging witness niya sa kaso, may malalim pang dahilan ang mga gustong pumatay sa kanya?

  Hindi maiwasan ng binata ang maisip ang mga nangyari sa buhay nila  noong nagsimula ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng mga engkantado.

Kagaya ngayon, nagsimula rin sila sa pagsakay sa bus papuntang Talisay. Medyo matagal na panahon na ngunit naaalala pa niya ang kakulitan ni Angelo habang bumibiyahe sila.

Nagsimula ang lahat ng isinama ni Danara si Angelo sa Bundok Mari-it.

 Inakyat niya ang bundok para hanapin si Angelo.

Ngayon pabalik uli siya sa Talisay para hanapin si Angelo.

Ang kaibahan lang, noon ay ang simula ng kanilang pakikipagsapalaran. 

Simula ng mga labanan.

 Iba't ibang kalaban. 

Mga makapangyarihang engkantado na kahit sa panaginip ay hindi niya naisip na makakalaban niya... at tatalunin.

Arbore..Ugrit....Tagabuhi...Sabadan...Lunhaw....

Mga lamanlupang at mga elemento ng  kadiliman na ni sa hinagap man ay hindi niya alam na nabubuhay dito sa mundo at hindi niya nabasa sa kahit anong libro.

Mga bang-aw... mga batinggilan...kiwig...limatik...unggulado...bangkilan..at iba pa na  taliwas sa kanyang dating pagkakaalam na kampon ng kadiliman lahat ng mga ito, ang ilan ay naging mabuti nilang kaibigan ni Angelo.

Kaibigan. Marami na rin silang naging kaibigan.

Si Alsandair ......si Tandang Mako....si Kabug..... si Burnok....si Kirkuk....

Marami pang iba na  ang ilan ay iba man  ang anyo at lahi,  inalay pa ang sariling buhay para sa kanilang kaligtasan.

At higit sa lahat, sina Pitta at Danara.

Ang Huling PakikipagsapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon