BIGONG PAGKIKITA
Habang nagsasaboy ng binhi ng mga halaman ay napansin ni Danara ang humahangos na si Agape. Ngayon lang niya muling nakitang ganito ang kaibigan mula ng naisara ang lagusan at wala ng labanan sa pagitan ng mga engkantado.
Agad niyang tinawag ang pansin nito.
"Agape, ano ang nangyari?"
"Nakita mo ba si Pitta?" tanong ni Agape, " kailangan ko siyang makausap."
" May suliranin bang naganap?" tanong ni Danara, " Ano ang nangyari?"
" Si Lagalag, narito siya!," sagot ni Agape.
"Ha? Saan? kasama ba si Angelo?" sunod sunod na tanong ni Danara.
" Hindi ko alam ngunit hindi ko nakita si Angelo. Naroon sila sa lumang lagusan."
" Sila? ibig sabihin ay may mga kasama si Lagalag?"
" Tatlo sila ngunit wala doon si Angelo. Paalis na sila sa lagusan."
"Halika, puntahan natin si Pitta."
Mabilis na tinungo ng dalawa ang palasyo ni Falcon. Inabutan nila doon si Bukaw kasama ang ilang mandirigma sa bulwagan.
" Nariyan ba si Pitta?" tanong ni Danara kay Bukaw." Nais namin siyang makausap."
" May pagpupulong na gaganapin at magsisimula na ito," sagot ni Bukaw, " kasama si Pitta sa pulong. Naroon na siya sa loob. Hintayin ninyo na lang at sandali lamang ito."
Nagkatinginan sina Agape at Danara.
" Hindi na natin sila aabutan," sabi ni Agape, " Palayo na sila sa lagusan kanina."
" Pakisabi na lang kay Pitta na hinahanap namin siya," sabi ni Danara kay Bukaw, " kung nais niya, maaari niya kaming tunguhin sa lumang lagusan patungo sa Talisay."
"Makakarating," sagot ni Bukaw.
Mabilis na tinungo ng dalawa ang lugar na sinasabi ni Agape. Gaya ng kanilang inaasahan, wala na doon sina Joshua.
" Nakaalis na sila," sabi ni Agape, " Wala na sila dito."
" Ano ang wangis ng kanyang kasama?" tanong ni Danara, " Wala ka bang nakikilala sa kanila?"
" Ang isa ay bata pa at dati ko ng napapansing gumagala dito sa gubat. Ang isa naman ay medyo may katabaan at sa pagkakatanda ko, tagarito siya sa Talisay."
"Si Mario," sambit ni Danara. " Halika, doon tayo sa kabila."
" Saan tayo pupunta?"
" Kung si Mario ang kanyang kasama, malamang ay pabalik na sila sa bahay nito. Madadaanan nila ang isang lugar malapit sa ating teritoryo."
Mabilis na tinungo ng dalawa ang lugar na sinasabi ni Danara.
" Wala rin sila dito," sambit ni Agape ng makitang walang tao doon sa lugar, " nahuli tayo."
"Hindi," sagot ni Danara, " Nauna tayo sa kanila. Mayamaya lang ay nandito na sila."
Hindi nga nagkamali si Danara. Ilang sandali pa at naririnig na nila ang boses ni Mario habang papalapit sa kanilang kinaroroonan.
" Ano Josh, nakita mo ba ang hinahanap mo?"
Hindi nakasagot si Joshua sa tanong na iyon ni Mario. Ang totoo, hindi niya naririnig ang sinasabi ng kaibigan. Ang nasa isip niya ay ang nakita niyang patay na Kratagus .
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
AdventureItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...