Chapter 23

3.5K 291 80
                                    

                                                                                    PAGKIKITA

Napatayo si Joshua ng makita mula sa unahan ang isang nagbibisekleta na patungon sa kanyang kinaroroonan.

Sa hugis at laki nito ay alam niyang si Mario ang paparating. 

" Ano na balita Mar?" tanong ng binata. " May update na ba tungkol sa rice mill na pinasok nina Angelo?"

" Hindi.. mo ba,,, ako... muna... hahayaang.. makahingah..?" reklamo ni Mario," Hinihi..ngal pah...koh..

" Sige, take your time," natatawang sagot ng binata," pahinga ka muna."

Inabot ng binata ang hawak na bottled water sa kaibigan at agad na tinungga ito ni Mario. Dumukot ito sa bulsa at inilabas ang isang balot na hopya at agad itong kinain.

" Dahan-dahan," sabi ni Joshua," baka mabilaukan ka. Hinihingal ka pa diba?"

"Okey na ko," sagot ni Mario," ubusin ko lang 'to."

Iiling-iling si Joshua na pinagmamasdan si Mario habang kumakain. Kung narito lang si Angelo ay tiyak niyang may masasabi na naman ito na hindi magugustuhan ni Mario.

Nang matapos na sa pagkain ay muling tinanong ni Joshua ang kaibigan.

" Ano, okey ka na?"

" Okey na," sagot ni Mario," Pumunta ako sa pulis station. Hindi ko na hinanap 'yung pulis na kakilala ko. Habang hinihintay  ko siya, nainig ako sa mga usapan ng mga nandun.  Kahit sa usapan lang , puwede mo na malaman ang nangyari."

"Buti hindi ka nasita nakatambay ka doon," sagot ni Joshua.

" Hindi naman," sagot ni Mario," May nagtanong lang. tapos sinabi ko nagpa follow up ako sa kaso ng pinsan ko. Hindi na ko pinansin. Tuloy lang sila sa kuwentuhan sa nangyari sa rice mill."

" Si Angelo nga daw ba 'yung nakita na kasama sa mga nanloob?"

"'Yun yung sabi ng matandang nagtatrabaho sa rice mill, pero kung papakinggan mo ang mga pulis parang malabo daw ang kuwento." paliwanag ni Mario, " Una, sabi daw ng mga nakasaksi, pinasabog daw ang dalawang watch tower gamit tirador lang. Sabi naman ng isang pulis na kasamang nagpunta doon, wasak nga daw ang tower pero wala silang makitang ebidensiya na pinasabog ito. Wala daw pulbura, walang fragments ng pampasabog, as in parang winasak lang ng bagyo yung tower. "

Hindi nakakibo si Joshua. Parang may katotohanan nga na kasama si Angelo sa mga pumasok sa rice mill.  Alam niya kung ano ang ginamit upang pasabugin ang tower at tanging si Angelo lang ang makakagawa ng ganoon maliban na lang kung may iba ang kagaya nila na may Aradayon na dalugdug.

" Ang nakapagtataka dun, yung mga tagaroon, nakarinig daw ng pagsabog," patuloy ni Mario," kaya tanong nga ng pulis, kung wala silang makitang tanda na may ginamit na pampasabog, ano yung sumabog? Ang labo diba ?"

" Isa pa, tingin ng  mga pulis may inside job daw.," kuwento pa ni Mario, " Sabi kasi ng may hawak ng pera, pagpasok daw ng mga taong iyon sa opisina, bigla silang nawalan ng malay lahat, as in lahat. Ni isa walang nakakita kung ano na nangyari. Tinanong daw ng pulis kung may ipinaamoy or may pinausok ba sa kanila, wala daw. Kumumpas lang daw yung isa sa mga lalaki, nawalan na sila ng malay lahat. Tingin ng mga pulis, baka kakuntsaba 'yung mga empleyado. May mga nagsabi pa nga daw na may nakitang nakakatakot na halimaw pero mukhang ayaw maniwala ng mga pulis. "

" Wala bang cctv ?" tanong ni Joshua.

"Meron yata kaya lang sa labas lang," sagot ni Mario," wala sa loob ng office. Kitang-kita nga talaga na may pumasok, kaya lang wala naman daw may dalang baril. Yung isa pa nga daw sa mga pumasok babae na magaling daw sa martial arts. 'Yung isa sa mga witness, tauhan ng rice mill, babae daw ang gumulpi sa kanya."

Ang Huling PakikipagsapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon