Chapter 16

3.6K 273 32
                                    

                                                                                         TOTOO O PEKE?

                                         Hindi inaasahan ni Dita ang inabutan niya sa kuwarto ni Bengbeng upang gisingin ito. 

Gising na si Bengbeng at inaayos ang sarili. Panay ang tingin nito sa salamin at sa makikitang tumpok ng damit sa higaan nito, halatang ilang beses na itong nagbihis.

" Anak, ano nangyari? Saan ka pupunta? Bakit ka nag-aayos ng sarili mo?" sunod-sunod na tanong ni Dita.

Mula ng maliit pa ito, ngayon lang niya nakitang nag-ayos ang anak. Karaniwang itinatali lang nito ang kanyang buhok at hindi maarte sa mga isinusuot niyang damit.

" Bengbeng saan ka pupunta?" tanong uli ni Dita, " hindi ka pa nag aalmusal, tapos ganyan na ang suot mo? Ano nangyayari?"

"Nay, hindi ba ako puwedeng mag-ayos bago kumain? " sagot ni Bengbeng, " saka 'wag na ninyo akong tawaging Bengbeng. Pambata yun eh."

" Ano naman ang itatawag ko sa 'yo? Lucila,yung totoo mong pangalan?"

"Huwag nga ninyong babanggitin 'yang pangalan na 'yan," reklamo ni Bengbeng, " Nasisira araw ko kapag naririnig ko 'yan."

"Ano nga ang itatawag sa iyo?"

"Beng na lang po."sagot ng dalaga, "huwag na ninyong kumpletuhin. parang pambata kapag kinukumpleto "

"Saan ka nga pupunta? " tanong ni Dita," ngayon lang kita nakitang ganyan. "

"Kakain lang po ng almusal," sagot ni Bengbeng," nag-ayos lang may pupuntahan agad?"

"  Kaya nga nagtataka ako kasi akala ko may pupuntahan ka. Kulang na lang gayahin mo ang mga babae diyan sa labasan na puro kolorete ang mukha," sabi ni Dita, " Halika at tulungan mo akong maghain ng almusal para sabay sabay tayo kumain."

" Meron kayo nun Nay?" mahinang tanong ni Bengbeng kay Dita.

" Nang ano?" 

" Nung kolorete na sinasabi ninyo," sagot ni Bengbeng, "pahiramin nga ninyo ako."

Napahalakhak si Dita sa narinig.  Ngayon lang niya narinig na naghanap ng ganoong bagay ang anak.

" Wala ako nun," sagot ni Dita, " Hindi kami gumagamit ng mga ganoong bagay."

Napatitig si Bengbeng kay Dita. Bagamat may edad na ito, hindi  pa rin maitatago ang angking kagandahan nito.

" Sana naging kamukha mo na lang ako para hindi ko na kailangan mag-ayos," sambit ni Bengbeng.

" Anak, maganda ka ," sabi ni Dita sa anak-anakan at agad niyakap ito, " hindi mo na kailangan ng kolorete para gumanda. Kapag may mabuti kang kalooban, ano man ang itsura mo, maganda ang tingin sa iyo ng iba."

" Gusto ko kasi yung mukhang sopistikada," sagot ni Bengbeng, " Yung kamukha ng mga babaeng nakikita natin sa bayan."

Umupo si Dita sa tabi ng anak-anakan at hinawakan ang kamay nito.

"Anak, ang kagandahan  nakasalalay sa kung sino ang titingin dito. May iba-ibang batayan ng kagandahan ang bawat tao. Yung sinasabi mong maganda, yung sopistikada, kaya sila nag-aayos ng ganoon kasi yung ang sa tingin nila ang batayan ng maganda. Mapula ang labi, maputi ang balat, makinis ang kutis. Pero ang totoo, ginagaya lang nila yun sa mga taong nagagandahan sila gaya ng mga artista na nakikita ninyo sa telebisyon. Dahil sa tingin nila magaganda ang mga artista, inaayos din nila ang kanilang mga itsura katulad ng mga artista para gumanda din sila."

Ang Huling PakikipagsapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon