MASAMANG BALAK
Humahangos na tinungo ni Tarik ang bahay ni Labro nang mabalitaan ang nangyari. Nasalubong niya sa pintuan si Etik na umiiyak kasama sina Isog at Pola. Pagpasok niya sa loob ay nasalubong na man niya si Bengbeng na noon ay papalabas na.
" Ano nangyari?" tanong niya sa anak-anakan.
" Patay na po siya," sagot ng dalaga," Lubhang malaki ang wakwak niya sa leeg maliban pa sa tama sa kanyang ulo. Bago pa man siya makarating dito ay patay na siya," sagot ni Bengbeng.
" Sige, umuwi ka na muna at kami na ang bahala dito," sagot ni Tarik.
Agad na lumapit kay Tarik si Labro ng makita ito.
" May tumulong kay Lagalag at ito ang pumaslang kay Tikboy,"paliwanag ni Labro," Ayon kay Isog, nahuli na nila si Lagalag ngunit nakatakas ito."
" Sa palagay mo, sino ang may kagagawan nito?" tanong ni Tarik habang itinuturo ang mga sugat ni Tikboy," mukhang kinagat ng isang hayop."
" Isang paniki," sagot ni Labro," at sa laki ng sugat, natitiyak kong isa itong paniki na kasinlaki ng isang tao."
" Paano mo nalaman?"
" Inamoy ko ang kanyang sugat," sagot ni Labro," may kilala ka bang taong-paniki na maaaring tumulong kay Lagalag?"
" Noong naganap ang pakikipaglaban natin laban sa mga Aves, nakita kong may kakampi silang isang taong-paniki," sagot ni Tarik," Maaaring nakalabas ito bago pa isara ang lagusan kaya nakapunta siya dito."
" Kung paniki lang at si Lagalag, madali lang natin silang mapapaslang kung magtutulungan ang ating mga alaga." mungkahi ni Labro," nasa gubat pa sila ngayon at mahahanap pa natin sila bago pa sila magpunta dito."
" Hindi papayag si Dita kapag nalaman niya," sagot ni Tarik," kailangan nating mag-isip ng ibang paraan."
" Kailangan nating mapaslang na si Lagalag bago pa maging huli ang lahat,"sagot ni Labro," may tumulong na sa kanya ngayon. Hindi natin alam kung madadagdagan pa. Alalahanin mo, si Lagalag ang naging instrumento para matalo ng mga Aves tayong mga Arbore. Kung nagawa niya ito sa mundo ng mga engkantado, mas lalong kaya niyang gawin ito dito sa sarili niyang teritoryo."
"May katwiran ka," sang-ayon ni Tarik," kailangan ngang masugpo na natin si Lagalag habang hindi pa alam ng mga engkantado ang mga nangyayari. Kapag nakapagsumbong sa kanila si Lagalag, malalaman nila na nilinlang natin sila ."
"Ano ang balak mo?" tanong ni Labro,"pagsasamahin na ba natin ang mga alaga natin? Sa tingin ko ay kayang-kaya ng mga anak-anakan mo si Lagalag kahit na may kasama pa siyang taong-paniki."
"Huwag muna natin gamitin ang mga bata," sabi ni Tarik,"Kakausapin ko muna si Dita tungkol diyan. Alam mo naman 'yun pagdating sa kanyang mga anak-anakan. Baka sumugod iyon sa labanan at siya ang mapahamak."
" Paano natin mapapaslang si Lagalag kung sina Isog at Paula lang ang kakalaban sa kanya?" paliwanag ni Labro," Hindi nila kakayanin si Lagalag kahit isama mo pa si Etik. Kahit sabihin pa nating maaaring hindi paslangin ni Lagalag sina Isog at Paula, hindi pa rin nila kakayanin nila si Lagalag sa labanan."
" May naisip na ako," sagot ni Tarik," kakausapin ko si Rigor. May mga bago siyang tauhan ngayon. Alam mo naman ang mga iyon kapag may salapi ng pag-uusapan, gagawin kahit ano.Kahit ang taong paniki lang ang mapatay nila, malaking tulong na rin iyon sa atin."
" Sige, papuntahin mo sila dito at sabay sabay kaming tutungo sa gubat para hanapin si Lagalag at ang kasama niyang taong-paniki." sagot ni Labro.
Galit na tinititigan ni Etik sina Angelo at Paula na noon ay nag-uusap sa di-kalayuan.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
AdventureItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...