PAGSASANAY
Maaga pa lang ay tinungo na ni Tarik si Labro.
" Kumusta na ang pagsasanay ng mga alaga mo?" tanong nito sa kaibigan, " Nagkausap kami ni Rigor kahapon at mayroon siyang alam na maaari nating makuhanan ng salapi."
" Maganda ang epekto sa kanila ng halamang Kapak," sagot ni Labro, " ngunit may mga pagsasanay pa akong kailangang gawin para malaman kung handa na ba talaga sila."
" Magagawa na ba nilang kalabanin ang sarili nilangn kalahi?"
" Gabi-gabi ko ginagawa ang pagmanipula ng kanilang pag-iisip habang sila ay natutulog," sagot ni Labro, " Malaking tulong ang Kapak. Mabilis na sumusunod ang kanilang pag-iisip sa mga gusto kong mangyari. Hindi ko inakala na ang halamang ginagamit sa pagsasanay ng mga mandirigmang engkantado ay mabisa din pala sa mga taong katulad nila. Kapag tuluyan ko ng nabura sa kanilang isipan kung sino talaga sila, pati sarili nilang magulang ay hindin nila makikilala. "
" Sa tingin mo, kailan natin sila magagamit?"
" Sandali na lang ito, " sagot ni Labro, " kaunting pagsasanay na lang. "
"Mabuti naman kung ganoon," sagot ni Tarik, " Malaki na ang nabawas sa salaping nakalap ng mga bata. Kailangan na nating dagdagan ito bago pa tuluyang maubos."
" Kumusta na pala 'yung mga inutusan mong paslangin si Lagalag?," tanong ni Labro, " Ano na nangyari sa kanila?"
" Kakausapin ko si Rigor mamaya. Noong huli kaming nag-usap, matagal na daw ang isang linggo para maisakatuparan ng kanyang mga tauhan ang pagpaslang kay Lagalag."
"Mabuti naman kung ganoon," sagot ni Labro, " Si Lagalag lang ang tanging hadlang sa ating mga balakin. Sa oras na mawala siya ay saka pa lang natin matitiyak na na magtatagumpay tayo."
Pupungas-pungas na bumangon si Angelo . Matapos ligpitin ang kanyang pinaghigaan ay agad itong lumabas sa kuwarto. Napapikit ang kanyang mga mata dahil sa pagtama ng sikat ng araw.
"Tinanghali yata ako ng gising, " sambit ng binata.
Dumiretso siya sa kusina at doon ay inabutan niya sina Paula, Etik at Tikboy na naghahanda ng almusal.
" Ano nangyari sa mukha mo?" puna ni Angelo kay Etik ng makitang puro sugat ang mukha nito," Mukhang nakipagpalitan ka ng mukha sa semento."
Natawa si Paula sa sinabi ni Angelo.
Isang matalim na tingin ang ipunukol ni Etik sa dalawa.
" Kapag maghihilamos ka kasi, huwag hollow blocks ang gagamitin mong pangkuskos sa mukha. Dapat bimpo , yung cotton para malambot." dagdag na kantiyaw ni Angelo.
Hindi mapigilan ni Paula ang humagalpak ng tawa.
Lalong tumindi ang galit ni Etik. Gusto na nitong sugurin ang dalawa.
" Hayaan mo na sila," saway ni Tikboy kay Etik, " wala na silang naaalala sa mga nangyari."
Ibinalibag ni Etik ang hawak na sandok at padabog na lumabas sa kusina. Mabilis namang sinundan ito ni Tikboy.
" Ano nangyari dun?" tanong ni Angelo, " Bakit biglang nagalit?"
" Tatanong tanong ka samantalang ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkaganon," sabi ni Paula.
"Ako?," nagtatakang tanong ni Angelo, ' Ano ginawa ko?"
" Sabi ni Tikboy, tinirador mo daw. Pati nga si Mang Ben tinamaan mo."
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
AdventureItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...