Chapter 35

3.4K 276 88
                                    

                                                                               KABILAANG PANGANIB

                                     Muntik ng mapasigaw si Paula nang makitang bumagsak si Alsandair matapos itong tamaan ng tila kidlat mula kay Tukan. 

Mabuti na lang at agad niyang napigilan ang sarili.

Gustong-gusto niyang tumakbo papunta kay Alsandair ngunit alam niyang magiging susi ito ng kanilang kapahamakan.

"Kilala mo siya?"

Nagulat ang dalaga ng biglang sumulpot sa kanyang harapan si Bengbeng. Hindi niya alam na pinagmamasdan pala siya nito habang nakatingin siya kay Alsandair.

"Hin..hindi..hindi," sagot ni Paula," hindi ko siya kilala."

"Nakita ko sa mukha mo na parang natakot ka para sa kanya," sabi ni Bengbeng," at parang maiiyak ka. Siguro ay kilala mo siya."

" Hindi ko siya kilala ngunit naaawa ako sa kanya,' sagot ng dalaga," parang sobra siyang nasaktan sa ginawa sa kanya."

" Mas masakit ang gagawin ko sa iyo kapag inagaw mo sa akin si Isog," pagbabanta ni Bengbeng, "hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa iyo."

" Huwag mo akong pagbabantaan dahil una, hindi ko aagawin sa iyo si Isog," sagot ni Paula," Iyong-iyo na siya.... sa ngayon. "

" Ano'ng ibig mong sabihin? " galit na tanong ni Bengbeng," may balak ka ?"

"Wala," sagot ni Paula,' ang sa akin lang, enjoy it while it lasts, dahil kapag dumating na ang tunay na nagmamay-ari kay Isog, hindi mo magugustuhan ang gagawin niya sa iyo."

" Walang nagmamay-ari kay Isog maliban sa akin!," galit na sabi ni Bengbeng," Bakit kilala mo ba si Isog noon pa? Sino ang kasintahan niya dati?"

" Hindi ko alam," sagot ni Paula," wala nga akong maalala di ba?

"Ito lang ang sassabihin ko sa iyo," galit na sabi ni Bengbeng," sa akin lang si Isog. Walang ibang puwedeng magmay-ari sa kanya. Ako lang ang nasa isipan niya at wala ng iba pa."

"Okey," sagot ni Paula," sinabi mo eh."

 Palihim na sinulyapan ng dalaga ang walang malay na si Alsandair. 

Lalo siyang kinabahan nang makitang binuhat ito ng isa sa mga engkantadong kasama ni Kilyawan at umalis.

                           Naglakad palayo sa grupo sina Tukan at Tutulyaw habang buhat ng huli ang walang malay na si Alsandair.

"Saan daw natin siya dadalhin?" tanong ni Tukan.

" Papaslangin natin siya habang wala pa siyang malay," sagot ni Tutulyaw,' Mahirap na kapag nagkamalay pa ang Kataw na ito.  Nakita  ko kung paano makipaglaban ito at lubha siyang mahusay lalo na kapag malapit siya sa tubig."

" Paslangin na natin siya dito ngayon din," sabi ni Tukan," pagkatapos ay saka na natin hanapin si Lagalag at si Kabug."

"Lumayo tayo ng kaunti," sagot ni Tutulyaw," bilin ni Kilyawan na dapat walang makakakita sa gagawin natin."

                               Mula sa kanilang kinaroroonan, palihim na sinusundan nina Joshua at kabug ang dalawang Aves.

" Huwag mo silang titigan," bilin niya kay kabug," mararamdaman ka nila."

" Ano ang gagawin natin?" tanong ni Kabug," mga mandirigmang Aves ang mga 'yan. Hindi ko sila kayang labanan. Bukod sa taglay nilang kapangyarihan at sandata, mas mabilis silang lumipad kumpara sa akin."

Ang Huling PakikipagsapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon