RANSOM
Habang naglalakad pauwi ay nakasalubong ni Joshua ang kanyang dating adviser noong high school pa siya. Bukod sa pagiging adviser, ito rin ang in-charged sa kanilang high school newspaper kung saan isa siya sa mga editors.
" Joshua! kumusta ka na iho?" bati ng guro sa kanya.
"Okey lang po ma'am," sagot ng binata."Pauwi na po."
" Busy ka ba 'pag weekend?" tanong nito sa kanya, " hingi sana ako ng favor."
" May gagawin po ako , Ma'am," sagot ng binata. " Ano po ba ang ipapagawa ninyo?"
Nakasanayan na niya ang mga pabor na hinihingi sa kanya ng dati niyang guro. Kapag nakikita siya nito ay lagi itong may ipinapakiusap. Katunayan, kapag kasama niya si Angelo, malayo pa lang ang guro ay hinahatak na siya nito para magtago. Alam nilang bawat pagkikita nila ay may iniuutos ito kahit hindi na niya ito adviser.
"Puwede mo ba ako tulungan mag layout ng newspaper namin?" tanong ng guro," hindi ko kasi maaasahan yung editor in-chief ko ngayon. Sa akin na lang umaasa palagi. Hindo kagaya noong panahon ninyo. Halos kayo lahat ang gumagawa ng trabaho."
"Sige po Ma'am," sagot ng binata, " gagawin ko po."
" Ayy salamat." natutuwang sabi ng guro, " sabi ko na nga ba na maaasahan kita . Ipapadala na kasi sa imprenta yun kaya dapat magawa na."
"Sige po," sagot ng binata.
"Dapat sa Monday tapos na yun ha. Sabihin ko na lang sa guard na papasukin ka sa Saturday at saka Sunday para may time kang tapusin." bilin ng guro.
" Yung susi po ng kuwarto?"
" Nasa dati pa rin," sagot ng guro," ayoko naman magbitbit lagi ng susi na yun. Kapag hindi mo nakita doon sa dating lagayan, hiramin mo yung duplicate sa guard."
" Okey, sige po," sagot ng binata.
" Asahan ko sa Monday yan ha." sabi ng guro," sige maiwan na kita at kanina pa tawag ng tawag ang anak ko. Kilala mo si Susie di ba? hay naku, may trabaho na ngayon at pareho kami ng hilig every Friday. Mag-shopping!"
"Sige po, ingat po kayo," sagot ng binata. " Enjoy po ninyo ang pag shopping."
Pagkaalis ng guro ay bumuwelta ang binata at naglakad pabalik patungo sa office ng Student Affairs. Isa sa mga kuwarto doon ay ginagamit ng The Chronicler, ang high school newspaper nila.
Naisip niya, kung magagawa na niya ang ipinagagawa ng guro ngayon, hindi na niya kailangan bumalik bukas o sa linggo.
Pagdatingn niya doon ay agad niyang kinuha ang susi na nakasabit sa isang halaman malapit sa pinto. Laging nawawala ang susi nila dati at siya ang nakaisip na ilagay ito sa halaman para maiwasan ang madala sa bahay at mawala. Dahil sa hindi na nawala ang susi, naging permanenteng lagayan na ang halaman sa tabi ng pinto.
Pagpasok sa loob ay nakita niya ang mga nakatambak na gagawin na iniwan na lamang ng mga gumagawa nito. Tama nga ang kanyang dating guro. Noong panahon nila ay hindi sila umaalis hanggat hindi natatapos ang mga gawain at hindi pa malinis ang buong kuwarto.
Mabilis na ginawa ng binata ang mga dapat gawin. Gusto niyang matapos agad ang ginagawa para gugugulin na lang niya ang Sabado at Linggo sa paghahanap kay Angelo.
Sandali siyang napahinto sa paggawa ng mabasa ang artikulo na ginawa ng Column and Features Editor. Kilala niya ang estudyante, bagamat Grade 9 pa lang ito ay magaling na ito magsulat. Ang artikulo ay tungkol sa mga pekeng pera at sa mga gumagawa nito. Maganda ang artikulo at malalim ang content.Hindi mo iisiping isang high school student lamang ang gumawa.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
AventuraItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...