ANG KUWENTO NG MGA BATA
Napakamot na kang sa ulo si Joshua ng ilang beses siyang mauntog sa pagkalubak ng tricycle. Sa pakiramdam niya, sira na ang shock absorber springs nito kaya bawat lubak ay tila hinahagis siya sa loob bagaman mabagal ang takbo ng sasakyan, Luma na rin ito at sa bawat tagtag at kaldag dahil sa lubak ay may mga nahuhulog na kalawang galing sa bubong.
Nakahinga ng maluwag ang binata ng makitang papasok na sila sa highway. Aspaltado na ang daan dito at wala ng lubak. Ilang metro na silang tumatakbo ng mapansin niyang gumilid ang tricycle at lalo pang bumagal ang takbo nito.
Nakita niyang sinisilip ng driver ang side mirror nito at tila tinitingnan ang kasunod nila. Mayamaya ay narinig niyang nagsalita ito.
" Ayaw ninyong lumusot? Bahala kayo sa usok diyan sa likod!"
Muli nitong ibinalik sa gitna ng kalsada at ipinagpatuloy ang mabagal na pagtakbo.
Nilingon ni Joshua ang sumusunod sa kanila. Isa itong lumang pickup truck. Dalawang lalaki ang nakasakay sa harap at tila may mga pasahero pa sa likuran. Mabagal itong sumusunod sa kanila.
" Tay, kanina pa ho ba sumusunod sa atin yang pickup?' tanong niya sa matandang drayber ng tricycle.
" Kanina pa yan doon sa pinanggalingan mo," sagot ng drayber, " Mukhang sinusundan tayo. Ayaw mag overtake. Hindi mo ba kilala mga 'yan?"
" Hindi po," sagot ni Joshua.
Muling nilingon ni Joshua ang bumubuntot sa kanilang sasakyan. Maaaring may kinalaman sa nangyari kagabi ang mga sakay nito. Hindi ito kilala ng tricycle driver kaya tiyak na siya ang pakay ng mga ito.
"Boss, mukhang nahalata tayo," sabi ni Emong habang nagmamaneho. " Panay ang lingon ng pasahero."
" Ang bobo mo kasi magmaneho," sagot ni Rigor, " Dapat nilampasan mo kanina nung gumilid sila."
" Gusto mo Boss, tirahin na natin dito sa highway," sabat ni Marlon mula sa likuran. " Damay na natin yung matanda."
" Isa ka pang bobo," galit na sagot ni Rigor, " nasa highway tayo. Kung gusto niya pala tirahin agad, dapat doon kanina sa bukid. May mga dumadaang mga sasakyan na dito. Mamaya matiyempuhan pa tayo. Matandaan lang plate number natin, yari na tayo."
" Saan natin titirahin 'yan boss?" tanong ni Emong.
" Tantiya ko, sa terminal ang punta niyan." sagot ni Rigor, ' mukhang dayo e."
" Tama ka boss," sang-ayon ni Marlon, " hindi tagarito 'yan. Mukhang pauwi na. Malaki yung dalang bag."
" Lampasan ninyo," utos ni Rigor," pero huwag ninyong iwawala. Sa terminal na natin banatan. Hintayin ninyong makasakay sa bus tapos tabihan ninyo. Kapag nakarinig ng putok ang mga tao, siguradong takbuhan na mga yun. Sumabay na kayo."
" Syurbol na yan boss," sagot ni Emong, " easi maney lang yan."
" Pag sumablay pa naman kayo diyan, ako ang babaril sa inyo," sagot ni Rigor, " Totoy lang 'yang bibirahin ninyo."
Napansin ni Joshua na bumilis ang takbo ng pickup at nilagpasan ang tricycle na sinasakyan niya.
" Nagsawa din yata sa usok," natatawang sabi ng matandang drayber, " Nilagpasan din tayo."
Pinagmasdan ni Joshua ang pickup na noon ay nasa unahan na nila. Matapos itong sumibad kanina at nilagpasan sila, muling nagbagal na naman ito at tila hinihintay sila. Natitiyak niyang siya talaga ang pakay ng mga sakay nito.
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
AbenteuerItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...