PATIBONG
Hindi makapaniwala si Marlon ng makitang papalabas na ng grocery store si Emong.
Ang dami nitong bitibit na grocery bags at abot-tenga ang ngiti.
Kasunod nito ang isang guwardiya na tumulong sa kanya sa pagbitbit.
Mabilis na binuksan ni Marlon ang trunk ng kotse upang doon ilagay ang pinamili ni Emong.
Nang matapos na mailagay ang mga pinamili ay inabutan pa nito ng tip ang guwardiyang tumulong sa kanya at pagkatapos ay tuwang-tuwa itong pumasok sa loob ng kotse.
" Yes! mayaman na tayo!," sabi nito sabay high five kay Marlon at kay Andres. Tinapik pa nito si Joshua sa balikat.
" Ang galing mo, bata! Mayaman na tayo, woooh!"
" Tinanggap ba lahat ng pera?" tanong ni Marlon. " pati yung mga dinugtong lang natin?"
"Tanggap na tanggap!," masayang sagot ni Emong, " Kinabahan nga ako noong una kasi idinadaan pa pala sa kulay violet na ilaw. Aircon sa loob pero pinagpapawisan ako. Nang binigay ang sukli ko, muntik na akong mapasigaw sa tuwa."
" Bakit may dumating na pulis?" tanong ni Andres.
"Hindi ko alam," sagot ni Emong, " baka bibili lang. Todo nga paling ko ng mukha ko , baka makilala ako eh."
" Sa wakas!," sigaw ni Marlon habang pinapalo ng kamay ang manibela ng kotse. " Uwi na tayo. Gusto ko ng mag print ng pera!"
" Kailangan ninyong tumupad sa usapan,' sabat ni Joshua, " Ibinigay ko na ang gusto ninyo. Pakawalan na ninyo ako at ang kaibigan ko ."
Nagkatinginan ang tatlo. Tila hindi alam ang isasagot sa sinabi ng binata.
" Relax ka muna diyan ,bata," sagot ni Emong, " Darating tayo diyan."
Mabilis na pinasibad ni Marlon ang kotse. Muli nilang binagtas ang daan pabalik sa kanilang safe house, ang bahay na nasa likod ng pabrika.
Pagdating sa bahay ay inutusan ni Marlon si Emong na dalhin muli si Joshua sa kuwarto kung saan siya dinala kagabi.
" Papatayin ba ninyo ako?" tanong ni Joshua kay Emong pagpasok nila sa kuwarto.
"Huwag kang mag-alala, bata," sagot ni Emong, "Ako ang bahala sa 'yo. Kukumbinsihin ko sila na huwag kang patayin. Sa dami ng pera na puwede naming magawa, kahit hindi na kami bumalik kay Boss Rigor."
" Yung Boss Rigor ba ninyo ang nagpapapatay sa akin?" muling tanong ni Joshua.
" Hindi, Si Mang Ben ang nagpapatira sa 'yo," sagot ni Emong, " Yun yung financer namin. Kilala mo ba yun?"
" Hindi ko siya kilala," sagot ni Joshua. " Hindi ko alam kung bakit niya ako gusto ipapatay."
Kailangan niyang malaman kung sino at bakit siya gustong patayin ng financer ng grupo nila Emong .
" Paano yung kaibigan ko?" tanong uli ni Joshua, " Baka patayin siya ng boss mo kapag hindi na kayo bumalik sa kanya."
" Wala na akong magagawa sa kaibigan mo," sagot ni Emong, " kasi kung babalik kami kay Boss Rigor, dapat patayin ka namin. Hindi siya babayaran ni Mang Ben kapag hindi ka namin pinatay. Ito, regalo kong impormasyon sa 'yo kasi pinasaya mo talaga ako ngayong araw. Wala sa amin ang kaibigan mo. Nandoon siya kay Mang Ben. Sa kanya namin nakuha ang address mo."
" Nasa Talisay ang kaibigan ko?"
"Hindi," sagot ni Emong, " Sinundan ka lang namin sa Talisay pero hindi kami tagaroon. Nandoon kami sa kabilang baryo, sa Sta. Inez. Katabi lang yun ng Talisay."
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
AdventureItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...