ANG PAGSASARA ng LAGUSAN
Nanatiling sarado ang malaking pintuan ng silid-pulungan. Halos kalahating araw na ito mula ng magsimulang magpulong ang mga matataas na pinuno ng mga engkantado na bumubuo sa bagong Pamunuan.
" Hindi pa sila tapos?" tanong ni Danara sa kaibigan na inabutan niyang matiyagang naghihintay sa labas ng pintuan.
" Sa tingin ko ay malapit na," sagot ni Pitta, " parang kinakabahan na nga ako sa maaaring kalalabasan ng pagpupulong ng Pamunuan."
" Dahil kay Lagalag?"
Isang mahinang pagtango ang isinagot ni Pitta sa kaibigan.
" Alam kong madadamay kami ni Lagalag sa pag-uusapan ngayon,"malungkot na sabi nito. " Malaking pagbabago ang magaganap sa ating mga engkantado dahil sa ginawa ng mga Lunhaw."
"Kinasusuklaman ko ang lahing iyon," sagot ni Danara. " Sila ang may kagagawan kung bakit hindi na ako kilala ni Angelo ngayon."
Nilingon ni Pitta ang kaibigan. Bagaman mahina lang ang pagkakasabi nito, halata sa boses nito ang matinding galit at mababanaag sa mga mata nito ang matinding kalungkutan.
Niyakap ni Pitta ang kaibigan na hindi napigilang tumulo ang luha sa mga mata.
" Pasalamat na lang tayo at buhay pa si Angelo," alo niya sa kaibigan. " Darating ang panahon at maaalala ka rin niya."
" Kailan?," sagot ni Danara, " mamaya?, bukas?, Ikaw na rin ang nagsabi, nangangamba ka sa inyo ni Lagalag. Paano pa ako maaalala ni Angelo kung mawawalay na tayo sa buhay nila?"
" Pangamba ko lamang iyon," sagot ni Pitta, "hindi ko alam ang nangyayari sa pulong. Malay natin, baka nga hindi napag-usapan ang tungkol sa atin hindi ba? Hintayin natin na matapos ang pulong."
" Sana nga," sagot ni Danara.
Napalingon ang dalawa ng marinig ang pagbukas ng malaking pintuan. Nakita nila ang pag-alis ng ilang mga pinuno upang bumalik sa kani-kanilang teritoryo.
Sumungaw ang ulo ni Bukaw sa pintuan.
" Ipatawag ang lahat. Sasabihin ang mga napagkasunduan sa pulong."
Pagpasok pa lang sa loob ng silid-pulungan ay napansin na ni Pitta ang malungkot na pagtanaw sa kanya ni Falcon. Hindi man ito nagsasalita, halos alam ni Pitta ang gustong sabihin nito.
Nanlalambot na napaupo ang engkantada. Dumating na ang kanyang pinanangambahan.
Nagsimula ng magsalita si Bukaw.
" Ayon sa napag-usapan ng mga bagong pinuno ng Pamunuan, ang lahat ng engkantado ay mananatili na sa kani-kanilang teritoryo upang gawin ang ating pangunahing gawain, ang pagyamanin ang kalikasan. Isa din itong paraan upang pagbigyan ang hiling ni Malabun-ak."
Umugong ang bulung-bulungan.
" Ano ang ibig nilang sabihin?" tanong ni Danara kay Pitta. Napatigil ito ng makitang nakayuko lamang ang kaibigan at nangingilid ang luha sa mga mata.
" Tama po ang inyong narinig," pagpapatuloy ni Bukaw, " Lahat ng mga engkantado ay ibabalik na sa kani-kanilang teritoryo, na ang ibig sabihin ay wala ng itatalagang Tagamasid."
Lalong lumakas ang bulung-bulungan. Ang iba ay hindi na napigilan ang magsalita.
"Paano na ang mga tao kung walang Tagamasid?"
"Oo nga!"
Hindi napigilan ni Danara ang mapatayo ng marinig ang sinabi ni Bukaw.
"Paano ang mga Sabadan? Sino ang pipigil sa kanila sa paggawa ng kasamaan laban sa mga tao?"
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
AvventuraItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...