PANAGINIP
Nagulat si Mario sa ibinalita sa kanya ng kaibigan.
" Talaga?nagkita kayo ni Queenie? Kumusta na siya?"
"Okey lang," sagot ni Joshua, " maganda pa rin."
" Tinanong ba niya ako?" tanong ni Mario," Alam ko nga tagarito rin sila pero kahit anong hanap ko hindi ko makita ang bahay."
"Aksidente lang pagkikita namin. Hindi ko rin inakala na magkikita kami dito."
"Niyaya ka niya sa kanila?" tanong ni Mario," wow naman pare. Makikita mo na mga biyenan mo."
" Ano, okey lang sa yo?" tanong ng binata," doon muna ako sa kanila."
" Okey lang," sagot ni Mario," alam ko naman na mas mag eenjoy ka doon kesa dito. Kung hindi nga lang ako magmumukhang dakilang thirdwheel, sama ako sa sa'yo."
" Kung gusto mo ba eh," sambit ni Joshua," puwede naman."
Sa kanyang isipan, iniisip niyang sana ay tumanggi si Mario sa alok niya. Kapag sumama ito ay tiyak na mabibisto siya.
" Gusto ko sana kaya lang hindi puwede," sagot ni Mario," baka pagalitan ako. Medyo marami kasing gagawin dito."
" Paano alis na ko," paalam ng binata," baka nainip na 'yun. Hinihintay ako sa terminal."
" Hatid na kita," sagot ni Mario," gusto ko rin makita si Queenie."
"Hindi na," pagtanggi ng binata," mag-aabang na lang ako ng tricycle."
" Hatid na kita," pagpupumilit ni Mario," namiss ko na rin si Queenie."
Sumilip sa bintana si Joshua. Napaghandaan niya ang ganitong sitwasyon kanina pa ngunit tila hindi dumating ang kanyang inaasahan.
"Tara na Josh, alis na tayo," yaya ni Mario," para may time naman ako makipagkuwentuhan kay Queenie. Malay mo hindi na kami magkita uli. Lumipat na sila ng school diba?"
"Mario!" Boses ng nanay ni Mario.
Nakahinga si Joshua. Dumating na ang kanyang hinihintay.
"Bakit po?"
"Ikaw ba nagpadeliver ng pagkain? May nagdeliver dito."
"Ako po nagpadeliver niyan," sagot ni Joshua," bayad na po 'yan. Pang meryenda po ninyo."
" Ayy salamat naman," sagot ng nanay ni Mario, " ngayon lang uli ako makakatikim nitong espesyal na pinipig leche flan. Paborito ko ito."
" Nay, tirhan ninyo ako," sabi ni Mario," hatid ko lang po si Joshua."
" Ay naku, huwag mong sabihin sa akin 'yan. Sabihin mo dito sa mga kapatid at pinsan mo. Nag-aagawan na. Buti kung may matira pa sa 'yo."
" Paano Mar, alis na tayo?" yaya ni Joshua," hatid mo ko hanggang sa terminal?"
"Ahh dito na lang siguro sa gate," sagot ni Mario," ganun din eh. Baka wala pa si Queenie doon,matatagalan ako maghintay. Babalik ka rin naman diba? Baka puwedeng ihatid ka ni Queenie dito sa amin."
" Sige sabihin ko sa kanya," sagot ni Joshua," Alis na ko."
Paglabas ng dalawa sa gate ay eksatong may tricycle na dumaan. Agad itong pinara ni Mario upang makasakay si Joshua.
" Poldo, sakay mo na 'tong kaibigan ko," sabi nito sa driver," Sa bus terminal lang siya."
"Pauwi na ko eh," sagor ng driver," Hindi pa ko kumakain."
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
MaceraItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...