ANG PULONG
Tahimik na nakaupo si Pitta sa damuhan habang nakabilad sa sikat ng araw. Matagal na rin niyang hindi ito naranasan at habang nabibilad siya ay nararamdaman niya ang pagbalik ng dati niyang lakas. Bigla siyang napalingon ng marinig ang isang pamilyar na boses.
" Pitta! Pitta!"
SI Danara. Humahangos itong papunta sa kanya.
" Bakit, ano ang nangyari?" tanong niya sa kaibigan.
" Si Alsandair, nagbalik na siya!," masayang sabi ni Danara," nandito na siya at makikipagpulong sa Pamunuan."
" Ano ang sabi niya? Nagkita ba sila ni Lagalag? Bubuksan ba muli ang lagusan?"
" Sandali lang," natatawang sabi ni Danara," alin doon sa tanong mo ang sasagutin ko?"
"Lahat!," natatawang sagot ni Pitta.
" Sandali ko lang siya nakausap dahil ipinatawag na siya ni Bukaw," sagot ni Danara," ngunit sinabi niya na tama ang hinala ni Bugnay. Isang malaking panganib si Tarik sa mga tao."
"Ano daw ba ang ginawa ni Tarik?"
" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin. Bigla na siyang ipinatawag. Magsisimula na daw ang pulong."
"Halika," sabi ni Pitta at hinawakan sa kamay ang kaibigan.
" Saan tayo tutungo?"
Biglang naglaho ang dalawa. Namalayan na lang ni Danara na nasa loob na sila ng isang silid.
" Nasaan tayo?" tanong niya sa kaibigan.
" Nasa silid tayo malapit sa silid-pulungan," sagot ni Pitta," huwag mo masyadong lakasan ang boses mo."
" Hindi rin natin maririnig ang mga sinasabi nila," sabi ni Danara," Lubhang makapal ang dingding ng silid. Isa pa, ipinagbabawal na makinig sa pulong. Kapag gumamit tayo ng kapangyarihan, malalaman ito ng mga pinuno."
'Huwag kang mag-alala,"sabi ni Pitta sa kaibigan," Hindi tayo gagamit ng kapangyarihan."
"Paano natin sila maririnig?"
Kinapa ni Pitta ang dingding at pagkaraan ng ilang sandali ay huminto ang kamay nito na tila nakita na ang pakay.
" Kapag tinanggal ko ang bagay na ito, huwag na huwag kang gagawa ng ingay," sabi ni Pitta sa kaibigan," Kahit maliit lang na kaluskos, huwag mong gagawin."
Tumango si Danara tanda ng pagsang-ayon.
Unti-unting hinatak ni Pitta ang isang hugis-parihaba na tila isang laryo mula sa dingding. Lumitaw ang isang parihabang butas na natatakpan ng isang itim na tela mula sa kabila.
" Narito na ba ang lahat? Magsisimula na tayo."
Boses ng ama ni Pitta na si Falcon.
Masayang napatingin si Danara sa kaibigan.
Naririnig na nila ang pulong!
Dahan-dahang umupo ang dalawa sa tabi ng butas. Ingat na ingat na huwag makagawa ng anumang ingay.
" May natuklasan ka ba sa pagtungo mo sa mundo ng mga tao?" tanong ni Gaeth kay Alsandair.
" Mayroon akong mahalagang natuklasan," sagot ni Alsandair," Tinungo ko ang lugar kung saan napaslang ang tagapagsanay at natuklasan ko na hindi nagkamali si Falcon sa kanyang hinala. Hindi napaslang si Labro. Wala akong nakitang anumang palatandaan sa lugar kung saan siya pinaslang na bumalik siya sa kalikasan."
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pakikipagsapalaran
AdventureItutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito...