Chapter 36

3.5K 305 84
                                    

                                                                                  ISA LABAN SA LAHAT

                                     Nakailang ikot din sa paligid sina Tukan at Tutulyaw sa paghahanap kay Joshua ngunit hindi nila ito natagpuan.

"Subukan nating lumipad sa itaas," mungkahi ni Tutulyaw," baka makita natin siya."

" Mukhang wala nga siya dito," sagot ni Tukan," Ang ipinagtataka ko diyan kay Lagalag, mistula siyang engkantado sa bilis at liksi kumilos, ganundin ang husay niya sa pakikipaglaban ngunit ni katiting na kapangyarihan  ay walang maramdaman sa kanya."

" Ang usap-usapan nga sa Bundok Mari-it at sa ibang lugar kung saan siya nakipaglaban, minamaliit siya ng kanyang mga kalaban dahil doon," sagot ni Tutulyaw," at iyon ang kanilang malaking pagkakamali. Hindi dapat minamaliit si Lagalag. Wala man siyang malakas na kapangyarihan,kakaiba naman ang kanyang talino pagdating sa labanan."

" Kailangang matagpuan natin siya habang mahina pa siya," sagot ni Tukan. " Lilipad ako banda dito at diyan ka naman sa kabila. Suyurin natin ang gubat hanggang matagpuan natin siya."

Halos magkasabay lumipad ang dalawa upang hanapin ang binata.

Nang makaalis ang dalawang Aves ay saka lang gumalaw si Joshua sa kanyang kinaroroonan. Bagamat nawala na ang pamamanhid ng kanyang katawan, nanlalambot pa rin siya at pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas.

Dahan-dahang gumapang ang binata paalis sa sapa at sandaling sumandal sa isang malaking bato. Pilit niyang inuunat ang kanyang mga binti at braso upang manumbalik ang lakas ng mga ito. 


                                        Nakailang ikot na sa himpapawid ang dalawang Aves ngunit bigo silang makita si Lagalag.

" Mukhang hindi natin siya makikita sa ganitong paghahanap," sabi ni Tukan. " Bumalik tayo sa ating unang plano."

"Ano ang gagawin natin?"

"Gamitin natin ang Kataw," sagot ni Tukan. "Natitiyak kong babalikan siya ni Lagalag. Parang mamimingwit  lang tayo ng isang  isda."

" Ang Kataw ang ating pain at si Lagalag ang isda?"

" Hindi basta kakagat si Lagalag sa ganoong paraan," sagot ni Tukan," ako ang pain at ikaw ang mamimingwit."

"Akala ko ba ang Kataw ang ating pain?" nagtatakang tanong ni Tutulyaw.

" Ang Kataw ang gagawin nating ilaw  upang lumapit siya  sa pain," sagot ni Tukan. " Wala siyang kawala sa aking naisip kaya pagbutihin mo ang paghuli sa kanya."

"Ipaliwanag mo sa akin ang binabalak mo."


                                Manaka-nakang tumitingin sa itaas ang binata habang pakubli-kubl i papunta sa kinaroroonan ni  Alsandair upang alamin kung nakabalik na ang mga Aves. Sa kasalukuyang kalagayan niya ay mahihirapan siyang lumaban.

Ganunpaman,kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon habang wala pa ang mga ito. 

Bagamat nag-uumpisa pa lang manumbalik ang kanyang lakas, pinilit niyang makaakyat sa itaas ng bangin upang puntahan si Alsandair.

Nagpasikut-sikot ang binata sa mga madadawag na halaman upang hindi siya mapansin mula sa itaas. Pumutol din siya ng ilang mga sanga na may dahon at isinabit ito sa kanyang damit. Sa tuwing makakarinig siya ng huni ng ibon, agad humihinto ang binata at hindi gumagalaw. Pinakikiramdaman niya muna ang ibon at minamatyagan ang mga kilos nito. Pagkaraang makitang pangkaraniwan lang ang kilos nito, itutuloy niya ang paglakad papunta sa kinaroroonan ni Alsandair.

Ang Huling PakikipagsapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon