***
"Pasok na po ako," I said before left our house. It's a regular day of school. Matamlay ako tuwing nasa bahay dahil sa wala namang kumakausap sakin ron, if they're gonna talk to me, puro utos ang sasabihin.
Narito ako pumapasok sa Kepler High. Dito na ako pumapasok since my first year, marami namang mababait at matatalino rito. Also, marami rin akong nakikitang mga athletic. While walking, hinanap ko agad sila Andrea at Eunice. My friends since first year.
"Good morning po," I greeted some teachers that I saw along my way to our room. Our room is at the second floor. Siguro naroon ang dalawa o baka late nanaman.
"Zaii!" I already knew who it was. Sa boses at ingay pa lang, alam ko na kung sino 'yon.
"Aga aga ang ingay ha, Dre," sabi ko sa tinatamad na tono. She's the type na hindi nauubusan ng energy. Too loud but friendly as well. Hindi rin siya mahiyain. Medyo makapal ang muka but in a good way. Mabait siya at madali pakisamahan.
"Morning! nagawa mo assignment?" she asked very loud. Ang taas ng energy. We've been doing a lot these past few days but it looks like she never gets tired. Hindi rin siya nag mumukang pagod at para pa ngang alagang alaga.
Like, how?
"Ah, yung sa geometry? oo nag-"
"Pakopya!" sigaw niya at inalog alog pa ako. "Sige na please! first subject natin 'yon!" patuloy niya sa pag mamakaawa. Hindi naman ako madamot pag dating sa kaibigan, pero ayoko rin kasi na hindi siya natututo dahil nasasanay sa pangongopya.
"Dre, 'wag ka naman sana masanay sa kopya lang. You need to learn you know," sabi ko at umiling iling pa. Mukang nalungkot pa siya bago tumango at ngumiti ulit.
"Of course! sorry, I'm just busy last night at the hospital," I remember, may kapatid siya na inaasikaso sa ospital. She never told me what's the name or anything about her sibling, pero hinayaan ko na lang dahil baka she wants to keep it private.
Inaya ko na siyang umakyat para makopya na niya. We can't find Eunice. Baka pinuntahan pa ang jowa niya? I don't know.
