***
Nang makauwi sa condo, nag tusta na lang ako ng tinapay at nag timpla ng kape. I texted Ariana where I'm going to work and what's currently happening. I texted Andrea too, so that she's updated.
From: Dre <3
'talaga? goodluck! ingat ka ha, galingan mo sa trabaho.'
Me:
'of course! u too okay? take care, always :)'
From: Dre <3
'wag mo ako pag papalit ha, baka mamaya iba na bestfriend mo, wag mo talaga ako uutangan'
I laughed at her. Sometimes, she lowkey shows that she's jealous. We talked for a bit until she told me that she's going to sleep for a bit dahil malapit na mag umaga at may pasok pa siya. She told me na mas nagiging close na daw sila Matthew. Nakalabas na rin daw ng ospital si Eunice, kani-kanina lang. I'm so happy. I wanted to chat her, para kamustahin, but I found out that she blocked me. Maybe her parents did. But what's important is that she's okay now.
I prepared my uniform for work that the manager gave me. It was a black polo shirt with a gold name tag at the side. Simple lang. Kahit ano na daw ang isuot ko pambaba. I chose pants, then rubber shoes. I prepared everything that I needed. After that, I took a shower at humiga na sa kama.
The next day, I woke up early and prepared myself. Nag ayos ako kaagad at nilakad na lamang ang cafeteria dahil malapit lang naman. I'm nervous because today is the day that I will enrol to a new school. New environment, mahirap mag adjust. It's going to be hard for me, mababa ang social skills ko. And I'm always shy.
Huminga na lamang ako ng malalim, I texted Andrea and Ariana. Then I went inside the cafeteria nang makarating. Kabado pa ako sa first day, I will meet different people with different attitudes. And it's going to be another challenge.
"Good morning!" bati sa akin ng isa sa mga kasamahan ko. Ang aga niya, Bethany ata ang pangalan. Isa siya sa mga una kong nakausap dati. Sobrang layo ng age gap namin. She's already twenty-one at ako'y fifteen pa lang. She asked me why I worked at an early age, sinabi ko na lang ang palagi kong dinadahilan. Financial problems.
"Morning!" I greeted back. Nag log in na ako at sinuot ang black apron. Tinulungan ko siya mag linis at mag ayos ng cafeteria. Mamaya pa namang 8 am ang bukas nito, 7 am pa lang. Nag punas punas kami ng tables, inayos ang mga upuan at sunod sunod ng nag datingan ang iba pang mga kasamahan.