Chapter 27

2 2 0
                                    

***

The next days went fast. The whole week, wala ako sa sarili ko. Madalas akong napapagalitan dahil natatagalan daw ako masyado sa trabaho ko. Hindi na ako makahandle ng tatlong models sa isang araw. Walang wala ako sa focus, parang basta mairaos ko lang ang araw. My heart is always beating so fast na parang lalabas na 'to sa dibdib ko. I can't even go anywhere dahil sa sobrang kaba. Palagi na rin ako nakadikit kay Andrea. Hindi ako mapanatag. 



Matt's flight landed few days ago. But we still haven't seen him yet. Mamaya pa. Sinabihan siya ni Andrea na magdahan dahan daw muna at 'wag ipapahalatang may mga hinahanap siya dito. Matt noticed that sometimes, my sister was following him. Siguro, iniisip na papunta siya sa 'min. At oo! Kami ang pupuntahan niya! Kaya doble doble na lamang ang pagiingat ni Matt dahil sa medyo delikado na kami. Kasama raw kasi nila mama ang ilan sa mga tauhan, they're now in contact with so many police officers. 



Para naman akong kriminal! I am completely innocent! Napapaikot nila ang mga officials dahil sa pera at pagsisinungaling. I don't know how they are doing it, but I hope soon enough, I'll find a solution. Nakakaumay mamuhay na para akong nakawalang kriminal. 



"Miss Vila! Focus on your model!" sigaw sa 'kin ng makeup artist. Nag sorry ako sa kaniya. Haggard na kasi ang itsura ng model dahil kanina pa kami paulit ulit. Wala ako sa sarili at nahihirapan na i-ayos ang mga actions ko. 



"Miss, I'll take over." nagulat pa ako kay Andrea. Pumwesto siya at mabilis na tinapos ang trabaho ko. Umupo na lang muna ako sa isang gilid at napabuntong hininga na lang. Nasabi ko na rin ito kay Ariana, at mas pinahigpit daw nila ang security nitong building. Na, walang basta basta makakapasok na sinuman. Makapangyarihan din kasi ang daddy niya kaya walang problema pagdating do'n. Mabuti na lang. Marami silang tauhan kaya matutulungan kami, kahit papano. 



"Tubig o'," inabutan ako ni Andrea ng water bottle. Kinuha ko naman 'yon at halos maubos ko na. Natataranta talaga ako palagi. Ang daming bagay ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko na alam ang uunahin. Pakiramdam ko, parang sabog sabog na ang utak ko at hindi ko na 'to mapagana ng maayos. Palagi akong blanko, ni hindi na ako makarespond sa ibang tao ng maayos. 



I had a traumatic experience. I had a rough childhood. I went through a lot. I had to hide for five years, and until now, I'm still hiding. I don't know when will this end. Sirang sira na ako. Even my loved ones, nagsasakripisyo na para sa 'kin. I lost a lot. And if I will loose more, mababaliw na talaga ako. Hindi ko na kaya. Iniisip ko pa lang ang maaaring mangyari, parang gusto ko na lang mamatay. 



"Dre...Natatakot ako..." bulong ko kay Andrea. Niyakap naman niya ako kahit nasa likod ko siya. 

Under The Same SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon