Chapter 25

3 1 0
                                    

***

Sabog na sabog ako habang naglalakad kami pauwi. Kanina ko pa iniisip 'yong sinabi ni Ariana. Bakit ba ako ang kinuha ng manager?! Ang dami dami namin dito! 'Wag na sana ako! Hindi tuloy ako mapakali. Kung kanina ay si Andrea ang 'di mapakali, ngayon ako naman! 



Anong gagawin ko? Sabi ko pupunta ako. Hindi ako dapat umabsent dahil malalagot ako! Nakasalalay dito ang trabaho ko kaya hindi ko dapat ipinapasok dito ang mga personal na mga ganap. Pero hindi kasi maiiwasan, lalo pa't si Nathan 'yon! At pupunta daw ang ilan sa mga angkan nila! Mababaliw yata ako lalo na kapag nagpunta ang twin brother niya! 



"Huy!" nagulat ako sa tawag ni Andrea. Nanlaki pa ng konti ang mata niya dahil din sa pagkagulat ko. 



"Kanina pa kita tinatanong kung gusto mo bang mag dinner tayo dito sa labas. Nakailang ulit na ako bakla. Anong problema?" 



Hindi ko alam paano ba sasagutin ang tanong niya. She's not pushing me to Nathan, but she supports our relationship. She knows what happened years ago, but she also knows what happened years ago noong nandito na ako sa America! Alam niyang nagkikita kami, nakikiusap si Nathan, maghihintay daw, may pa-letter pa at kung ano ano! Baka mang-asar pa 'tong gagang 'to. 



She suddenly stopped walking and crossed her arms on her chest. 



"Mare, hindi tayo uuwi o kakain hangga't hindi mo sinasabi 'yan. Sa totoo lang, kanina ka pa wala sa sarili mo. Inutusan ka kanina na ipagtimpla mo si boss ng kape pero umaano ka sa water dispenser? Mainit na tubig pa binigay mo! Bakla ka! At ano, inaayos mo camera mo kanina bago tayo makauwi pero iniwan mong naka-on? Mare hindi ka ganyan." dire-diretsong sabi niya. 



Napalunok naman ako. Ganoon ba ako kanina? Hindi ko namalayan 'yon. My mind is occupied by that information said by Ariana. 



I looked at her. She's raising her eyebrow and waiting for me to tell her. Hinatak ko siya sa isang malapit na coffee shop at umupo kami sa pinaka likod kung saan walang tao. I took a deep breath and faced her. 



"Ariana told me that I will be attending a ceremony tomorrow," panimula ko. Naging excited pa siya! Hindi pa kasi ako tapos! 



"Hala e' bakit hindi ka ata masaya? Gusto mo ako na lang? Sige akin na swel-"

Under The Same SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon