***
"Sigurado ka na ba?" kanina pa pinapaulit ni Andrea ang tanong na 'yan sa 'kin. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Matapos ng small date namin ni Nathan kanina, inihatid na niya ako rito sa condo para makausap ko na sila Andrea. Gulat na gulat din si Matthew dahil sa sinabi ko.
"Babalik ka na ba talaga ng Pinas?"
Napaisip ako nang tanungin ako muli. Napag usapan kasi namin ni Nathan na babalik ako ng Pilipinas, ipapakalat ang balita para bumalik doon sila mama. Gusto kong makapag usap kami sa bahay namin mismo. Gusto kong doon maayos ang lahat dahil doon din naman nagsimula ang lahat nang ito.
But I'm scared. Honestly. Kaya ko na nga ba? Is this really the right time? O baka napipilitan lang ako?
Hindi ako sigurado. I said yes to his father's proposal about the investigation because I was too scared that time. Things were going too fast too. Hindi ko alam kung iniisip ko nga ba ang desisyon ko no'n. Pero nakakahiya kung babawiin ko pa. Natatakot lang talaga ako. I know I am supported by lots of agents. I also know that I have people who I can rely on. But I am still afraid. Magkaiba ang sinasabi ng isip at puso ko. I have this part on me that wants all of this to be done, but there's also a part on me that's too scared to even do a single move.
Napatingin na lang ako sa baba at napasabunot sa sarili.
"Dre..." lumuhod siya sa harapan ko at inangat ang ulo kong nakayuko para magkatinginan kami. Nginitian niya ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"As I said, susuportahan kita sa desisyon mo. Nandito kami ni Linx, okay? Hindi ko na guguluhin isip mo," she said and kissed my forehead. I smiled and watched her go to the corner to get her bags. Agad siyang tinulungan ni Matthew dahil mabigat pa yata ang iba do'n. Pansin kong palaging tahimik si Matt kapag nag uusap kaming dalawa ni Andrea, mukhang nakasanayan na niya na 'wag makikisawsaw kaagad sa usapan. Minsan, 'yon din ang dahilan kung bakit gustong gusto ko si Matt para kay Andrea kumpara sa mga naging manliligaw niya dati. Ayoko kasi no'ng puro pakitang tao lang at saka ilalabas ang tunay na kulay kapag talagang nagkakilala na.
Iba si Matthew. He may be a year younger than us, pero mabilis mag mature ang isip niya. Maintindihin, humble at maaruga. So whenever I see them together, I just automatically smile. They're cute as a couple. But I'm sure that they have a great future ahead of them. I want someone to take care of my best friends before I go away to handle my own life.
