***
Lumipas ang ilang araw, hanggang sa nakabalik na ako sa trabaho. Swerte naman na natanggap si Andrea, why wouldn't she be accepted 'di ba? She deserves the position. Magaling 'tong si Dre, talagang humble lang siya. Hindi niya agad agad nakikita ang mga capabilities niya even though it's so obvious. Nasaktuhan pa na nung nag-apply siya, marami raw siyang kasabayan na mga may experience na at kilala na rito sa bansa, kaya kinabahan siya. But at least, she managed to do her thing.
"Hay naku, sobrang kabado talaga ako no'n 'lam mo ba? 'Yong puso ko lalabas na yata sa dibdib ko! Ewan ko ba! Puro seniors na ang kasabayan ko at well trained. Sinong gaga ang hindi kakabahan 'no? Buti na lang talaga natanggap ako. Kasi kung hindi, hindi tayo magkasama! Mababaliw ako kapag ganoon!" tuloy tuloy na kwento ni Andrea. Naglalakad kami papunta sa V.H building, hindi na kami nag taxi dahil medyo malapit lang at gusto namin magkwentuhan.
Maaga pa naman, 6 am pa lang. Ewan ko ba dito kay Andrea, ka-aga aga nanggising kanina. But she said she wants to chat and take a stroll before we work, kaya siguro napaka aga niya akong ginising. Sabagay, kung gigising kami ng six, makakarating kami doon ng quarter to seven, at 'di na kami makakapag kwentuhan dahil oras na ng trabaho.
"Ay-" I stopped midway when she took a peek at her phone. I noticed she keeps on checking it too, even if she's talking to me. As if someone's paying attention to her that much. I want to ask but maybe, it's not the right time. Kapag may gusto siyang sabihin sa 'kin, sasabihin niya 'yan. I don't have to force her.
"Ah-ano nga ulit 'yon? Sorry," sabi niya. Umiling na lang ako dahil nakalimutan ko rin ang sasabihin ko.
Natahimik kaming dalawa saglit dahil constant ang pag check niya sa phone niya. I'm starting to get curious and I really want to ask, but no. That would be rude, I'll respect her privacy no matter what.
"Ah, Dre. Kamusta na nga pala si Matthew? That boy we met at highschool?" I asked her suddenly. Bigla siyang natulala saglit at mukang namutla pa. Napakunot naman ang noo ko dahil do'n.
"Hey, are you alright?" lumapit ako sa kaniya para tignan siya. Huminga siya ng malalim at umubo ng konti bago ang mga pekeng tawa niya.
"Hoy! Okay lang ako! Hahaha! Ah-'yong Matthew ba? Ah-o-okay siya!" kabadong sagot niya. And It got more suspicious. Bakit siya kabang kaba? Is she hiding something from me?
We're almost at the company, but I can't bare to think about this all day and not focus on my work. Huminto ako saglit kaya napahinto rin siya sa paglalakad. I looked at her at mukang kabado nanaman siya.