XXX

289K 4.2K 246
                                    

Chapter Thirty

Nagulantang kaming dalawa ni Warren sa maingay na ringtone mula sa cellphone ko. Parehong tutok ang mga mata namin sa trabahong ginagawa. Ang ginagawa niya ay para sa business at ako naman ay naglalaro ng Facebook games.

"It's Rachel." sagot ko sa nagtatanong niyang tingin.

"Why is she calling you?" tanong niya na nakakunot ang noo.

Nagkibit ako ng balikat at tumayo para sagutin ang tawag sa labas. "Excuse me, sir." paalam ko sabay tawa na ikinasimangot niya.

"Chel! Bruha ka, ang tagal mong hindi nagparamdam!" bungad ko pagkasagot ko sa tawag ni Rachel.

"Hello to you too, Mary Claire! I miss you!" ani Rachel sa masiglang boses.

"Talaga lang, ha?" saad ko na may pagdududa sa tinig pero nagpipigil ng tawa. I miss her so much.

"Oo kaya! Wala na akong mahampas na balikat kapag kinikilig!" aniya sabay halakhak.

So she's over Warren, now? Kahit matalik ko siyang kaibigan, hindi ko maiwasang matuwa sa isiping wala na siyang nararamdaman para kay Warren. She used to be head over heels in love with him, natigil lang siguro nang umalis ito para mag-aral sa ibang bansa. She went abroad after we finished highschool. Hindi ko lang alam kung saan.

"Anyway, I just got home from my vacation trip. Warren called me last night asking why I wasn't able to attend to my Godson's birthday last week. Can we meet? Gusto kong ibigay yung gift ko. Bonding na rin tayo!" aniya sa excited na tono.

"Sure! Ngayon na ba?"

"Oo sana. Busy ka ba?"

"Nasa trabaho ako, eh." alanganin kong sagot.

"Ganun? Si Warren naman yung boss mo, 'di ba? Come on, I'll call him para ipagpaalam ka."

Napataas ang kilay ko. So what are they now? Bestfriends?

"Hindi na. Kaya ko nang ipagpaalam yung sarili ko sa asawa ko." sabi ko sa nagbibirong tinig.

"Okay, then. I'll just text you kung saan tayo magkikita. Or do you want me to go there and fetch you?"

"Hindi na, kaya ko namang mag-drive."

"Istrikto si Warren pagdating sa pagda-drive mo. Ayaw niya nang maulit yung aksidente. Susunduin na lang kita."

"Hindi na, magpapahatid na lang ako kay Warren." pilit kong tanggi.

"No, I'll fetch you. See you, Claire! Bye."

Napailing na lang ako habang nangingiti nang naglakad pabalik sa office ni Warren.

"Ano daw ang kailangan niya?" bungad agad ni Warren pagpasok ko.

"Gusto niya raw akong makita. Can I leave?" pagpapaalam ko.

Wala naman akong ginagawa sa office niya. Ayaw niya akong bigyan ng trabaho simula pa no'ng naging okay na kami. Pilit lang akong sumasama sa kanya sa trabaho dahil naiinip ako sa bahay. At para makasama ko siya lagi.

"Si Rachel ba talaga 'yan? Baka naman mamaya ay ibang lalaki?" duda niyang tanong na ikinahagikgik ko.

"Si Rachel nga." sabi ko na nagpipigil na ng ngiti nang makita kong nakabusangot na siya.

"Patingin ng call logs?"

"'Ba 'yan! Si Rachel nga 'yon! Wala ka bang tiwala sa akin?" saad ko sa tinig na nagtatampo at nagpipigil ng tawa.

"Saan daw kayo magkikita? Ihahatid kita." aniya sa istriktong boses.

"Susunduin niya daw ako." Napangiti ako sa ginawa niyang pagsinghap.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon