L

302K 3.7K 188
                                    

Chapter Fifty

 
"Saan tayo pupunta?" kabado pa ring tanong ko habang nakasakay na sa kotse ni Richard.

Kanina ay sa fire exit kami dumaan at hindi sa elevator. Naghagdan kami pababa at dumerecho sa parking lot ng condo. Sinubukan kong hanapin si Warren sa kung saan pero nabigo ako.

"Sa beach house ko sa Batangas." Seryoso siya sa pagda-drive pero wala akong pakialam. Guguluhin ko siya sa mga tanong ko dahil naguguluhan na ang utak ko sa paghahanap ng sagot para dito.

"Ano'ng gagawin ni Rachel kay Warren?"  

Nilingon niya ako saglit bago tumutok ulit ang mga mata niya sa pagda-drive. "Keep him until she's done with you."

"Paano natin siya maliligtas?" Isipin pa lang na mapapasakamay ni Rachel si Warren ay nabibiyak na ang puso ko. Kakaayos lang namin tapos mayroon na namang pangyayaring kailangang magpahiwalay sa amin.

"Alam ko ang hideout ng mga tauhan niya, pupunta ako doon kasama ang mga tauhan ko sa oras na masigurado kong ligtas ka na." Parang wala lang na sabi niya gayong kabadong-kabado ako dito.

"Can you win this?" alanganin kong tanong.

Paano kung magwagi si Rachel? I will die and Rachel will make her schemes happen until she can finally have my family. Ayokong mangyari iyon. Ayokong maupo na lang dito habang naghihintay ng aksyon ni Richard.

"Of course. I always win over Rachel." Nakita ko ang pagngisi niya.

Natahimik ako pagkatapos no'n. Ligtas na ba ako nito? Wala na ba dapat akong dahilan para kabahan? Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayong mukha namang wala na akong dapat problemahin. Siguro ay dahil hindi ako sanay na may karadating lang na problema tapos may solusyon na agad para ro'n. Ilang araw ko ring pinoblema ang sa amin ni Warren.

Habang nag-iisip ng pag-uusapan at posibleng plano dahil sa mahabang byahe ay may biglang importanteng tanong sa isip ko.

"Should I trust you?"

Nilingon niya akong muli at nagtaas ng kilay, "The question is, why should you not trust me?"

Umirap ako. "I already told you, kapatid ka niya maaaring kasabwat ka niya."

"Sa pagpatay ng tao? Kapatid ko siya kaya hindi ko hahayaang gawin niya 'yon dahil lang sa isang gagong lalaki."

"Kung gano'n bakit mo ilalaglag ang plano ng kapatid mo sa biktima dapat niya?"

"It's the right thing to do. At isa pa, hindi ka naman sasama sa akin nang walang dahilan kaya kahit kailangang magmadali ay nagpaliwanag pa rin ako sa'yo."

Natahimik ako bago nagtanong ulit. Kailangan kong magdaldal kung hindi ay kung anu-ano na naman ang pwedeng pumasok sa isip ko. "Why are you doing this?"

He gave me a short glance again. "Doing what?"

"This whole thing, saving me."

He smirked. "Don't be flattered. Si Rachel ang unang-unang gusto kong tulungan, ayoko siyang makulong."

"Hindi mo ba naisip na pwede ko siyang isumbong sa pulis matapos ang lahat ng ito?"

I saw him smiled. "You're too kind to do that, Claire."

"Paano pala kung hindi?" Although, I'm not really kind. I don't understand why everybody thinks I am kind.

"Pwede ba yun?" Humalakhak siya.

"Tss. Can we stop by sa drive-thru? Nagugutom na 'ko, hindi pa 'ko nag-aalmusal." Bigla kong naalala si Warren at ang paggo-grocery niya. Nagke-crave pa naman ako sa champorado at siopao.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon