XXVII

311K 4.8K 143
                                    

Chapter Twenty-Seven


Pagtapos ng meeting ay pumunta kami sa office niya. Nagulat ako dahil puro balloons doon, mapa-floor man o ceiling.

"Ano 'to? Ba't puro lobo?"

"We have this Oplan: Ibalik ang alaala ni Maria Clara. Pakana ng anak natin." Tumawa siya.

Pati ako ay napatawa sa kalokohan nila. "At sinakyan mo naman ang trip niya?" Siraulo talaga.

"Syempre. Lahat ng kaya kong ibigay sa anak natin ibibigay ko." Kumindat siya na ginantihan ko lang ng irap.

"'Wag ka nang magselos. Sayo rin naman. Lahat nga ng akin ay binigay ko na sa'yo eh. Yung apelyido ko, yung buhay ko, pati yung virginity ko." Humalakhak siya.

Hinampas ko siya sa balikat. "Nagsisimula ka na naman, ah?"

"Joke lang. Ikaw naman." Nagkamot siya sa batok.

"Pero seryoso talaga 'tong plano niyo?" Kasi naman parang sira. May mga lobo pa.

"Yep. Wayne and I have two different plans but the goal is still the same-- to make you remember everything you forgot. On our dates, I'll make you remember what happened before he came into this world. On the other hand, he will make you remember our family's normal routine on our family date." Ngumiti siya.

"So dito tayo magde-date?" Nahihiya kong sabi.

"Ayaw mo ba? Gusto mo ba dun sa may kama?" aniya sa nang-aasar na namang boses.

"'To naman! Ang sungit-sungit! Gusto mo lang na nilalambing kita, eh!" Hirit niya nang umirap na naman ako.

Hinampas ko siya. "Kapal mo, ah!"

"Dapat pala hindi ko muna ipinaalam na kasal na tayo. Under na naman ako nito, eh." aniya habang umiiling-iling.

"Na-under kita?" natatawa kong sabi.

"Tss." he pouted and I laughed harder.

"Nasa'n tayo?" Nilibot ko ang mga mata ko pagkababa ko ng kotse ni Warren.

Dinala niya ako sa isang mataas na lugar, mapuno at mahalaman. Paniguradong nasa bundok kami pero hindi ko alam kung saan particularly.

"Paco park." simple niyang sabi bago umikot papunta sa trunk ng kanyang sasakyan.

"Ano'ng gagawin natin dito?" Nasagot ko yung sarili kong tanong nang mula sa trunk ng kotse ay nilabas niya ang isang picnic basket at blanket. "Picnic date?"

"Uh-huh." aniya habang naglalakad papalapit sa akin. "Kindly hold this for me, baby." Inabot niya sa akin ang picnic basket na tinanggap ko naman.

Sa oras na nabakante ang isa niyang kamay ay hinawakan niya na agad ang kamay kong hindi nagbubuhat ng basket.

Naglakad kami ng kaunti para maghanap ng magandang pwesto at nilatag niya na ang blanket. Kinuha niya sakin ang basket at pinatong 'yon doon tapos ay pinaupo niya ako ng maayos bago siya humiga habang nakaunan ang ulo niya sa kandungam ko.

"Are you hungry?" Kinuha niya ang kamay ko at pinatong 'yon sa ulo niya, sa buhok niya actually.

"Nope. Are you?" natatawang tanong ko habang hinahaplos yung buhok niya.

"Hindi pa. Mamaya na tayo kumain, then." Kumunot ang noo niya. "What are you laughing at?"

Umiling ako. "Wala. Sobrang sweet mo lang, ang corny." Humagikgik ako.

Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. "Ayaw mo ba?"

Natigil ako sa pagtawa, marahan kong kinagat ang labi ko. "Gusto."

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon