XIX

312K 4.6K 82
                                    

 Chapter Nineteen
  

Nagising ako sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nang idinalat ko ang mga mata ko ay nasilaw ako kaya agad din akong napapikit. Tumagilid ako ng higa patalikod doon at muling dumilat. Isang gwapong may malawak na ngiti ang bumungad sa akin.

"Good morning," ani Warren. Sa hindi malamang dahilan ay naramdaman kong pumula ang pisngi ko. There is something odd with the looks he's giving me.

"Good morning din," pabulong lang na sagot ko. 

Feeling ko ay may nakatago sa ngiti niya. Para siyang nang-aasar na nang-haharot. Umagang-umaga, ah!

"How do you feel?" ngisi-ngisi pa rin na sabi niya.

"Okay lang."

"Walang masakit sa'yo?" lalong lumaki ang ngisi niya.

"Wala naman," ramdam kong pumula lalo ang pisngi ko.

Napatda ako sa bigla kong naisip. Kumunot ang noo ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Walang sakit.. that only means it was real. It was not just a dream or a perv visualization. Everything.. everything now will change. And I don't know how to react, my mind is still puzzled, dazed and very much confused.

"Gawin natin ulit?" sabi niya habang nagtataas-baba ang kanyang kilay.

"Heh!" hinampas ko siya sa kanyang braso as I tried to act cool and calm. Bumangon ako at tumatakbong pumasok ng banyo.

"Sa'n ka pupunta? Gusto mong sabay tayong maligo? Round 3?" narinig ko pang sigaw niya bago ako nahulog sa malalim na pag-iisip.
  

"Ang seryoso mo naman," sabi ni Warren habang nagda-drive na pauwi. Maayos na ang weather, wala na nga'ng ulan eh. Parang napag-trip-an lang kami ng ulan kagabi.  

"Hindi, ah." maiksi kong sagot.

"Anong hindi? Kanina ka pa ganyan, hindi mo nga ako kinakausap habang kumakain tayo, eh." nakalabi niyang saad na ikinangiti ko ng kaunti pero itinago ko. "Ako na nga 'tong nabitin."

"Arte mo," sabi ko ng 'di ko na mapigilan yung ngiti ko. Pa'no kasi, umarte na siyang umiiyak. Halatang arte lang yung iyak niya kaya nakakatawa, nakalagay pa yung nakakuyom niyang kamay sa pisngi niya at gumagalaw kasabay ng pagsabi niya ng 'huhu'.

"Bakit tinatawanan mo lang ako? Ang mapagmahal na girlfriend dadamayan ako, iintindihin ako, lalambingin ako. I-kiss mo 'ko para hindi na 'ko malungkot," parang bata niyang saad.

"Siraulo ka," sabi ko habang tumatawa. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko kanina pero sa ilang minutong pangungulit lang ni Warren ay nawala ang kung ano mang nakapatong sa dibdib ko.

"Hindi naman, baliw lang. Wala akong morning kiss kaya i-kiss mo na ako." demand niya habang nakanguso pa.

Inirapan ko siya, "Ang kulit mo. Sumasakit ang ulo ko sayo, eh."

Bigla siyang tumuwid ng upo at nagseryoso, "Matulog ka muna, mahaba pa ang byahe."

"Sorry," paghingi ko ng tawad. Wala lang talaga 'ko sa mood i-handle yung pangungulit niya.

"Kasalanan ko naman, pinuyat kita kagabi. Ayan tuloy," sabi niya nang seryoso pero noong nagtama yung mga mata namin ay kumindat siya at biglang ngumisi.

Napailing ako sa ipinupunto niya bago ako umayos ng pag-upo at naghanda na sa pagtulog.

Dinner time na nang nakauwi kami at pagpasok namin ng mansyon nila, ang masayang tawanan sa sala ang bumungad sa amin. Sabay-sabay pang tumayo sila tito at tita pati si mama nang nakita kami.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon