XIV

303K 5.4K 143
                                    

Chapter Fourteen
 

"Hindi ako papayag!" apila ko. Kung kanina hindi ako pwedeng sumali sa usapan nila, pwede na siguro ngayon dahil dawit na ako dito, unless ibang 'girlfriend' ni Warren ang tinutukoy niya.

Tumingin ako kay Warren para tignan yung reaksyon niya. Kung magpoprotesta ba siya, magagalit, magseselos o ano.. pero wala namang pinagbago.

Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya. Tahimik at hindi man lang kumikibo. 'Wag niyang sabihin papayag siya?

Nanlumo ako sa isiping 'yon. Hindi ko siya masisisi kung papayag man siya kasi nape-pressure siya sa daddy niya. Malaki ang expectation ni tito Winston sa pagma-manage ni Warren sa L Corp kaya hindi ko siya sisisihin. Isusumpa ko lang siya!

Napabaling ulit ang tingin ko kay Mr. Tan nang narinig ko ang halakhak niya. Kung kanina gwapung-gwapo ako sa kanya, ngayon para na siyang matanda at nakakalbong instik sa paningin ko.

"Too bad, sweetheart. The decision is in your boyfriend, I mean, soon-to-be-ex-boyfriend's hands."

Napakagat ako sa labi ko dahil tinitimpi kong inis. Naramdaman kong pinisil ni Warren ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya. Wala na ang kunot niyang noo at magkasalubong na kilay. Parang cool na cool lang siya sa sitwasyon ngayon.

"I know my girl is really captivating, but there are lots of pretty Filipinas out there who are on the market. This girl right here is totally taken." Cool na sabi ni Warren na tumingin pa sa direksyon ko at kumindat.

Hindi ko napigilan ang ngiting sumilay sa aking mga labi. Sa isang iglap nawala lahat ng inis ko, napalitan ng kilig. Captivating daw ako. Omg!

"Aren't we forgetting something here? Oh, yes! She is not yet married to you, which makes her not totally taken." Hindi sumusukong sabi ni Mr. Tan.

Hindi ko alam kung kikiligin, maiinis ba ko o ano. Feeling ko pinag-aagawan ako ng dalawang gwapong prinsipe, pero syempre alam na natin kung sino ang pipiliin ko. Yun ay kung talagang ipaglalaban niya ko. Baka naman mamaya ipagpalit niya ko sa business nila.

"I'm sorry, Mr. Tan but I cannot trade my girl for any success. Is there a chance that you'd accept our proposal without this marriage thing?"

Hindi ko na pala kailangan ipagtanggol ang sarili ko. Kaya na ni Warren eh. Pinapakilig pa ako!

"No. If ever Mary Claire---"

"It's Claire to you, Mr. Tan." putol ni Warren na ikinangisi ni Mr. Tan at ikinangiti ko rin.

"Oh, possessive." Humalakhak si Mr. Tan. "Anyway, if Claire agreed to marry me, all percentage of shares of business we are planning to put up here in the Philippines will be under her name, which will be still under the Tans since she will carry my family name. In that case, our business would not be unconstitutional."

"As I've said, there are lots of pretty Filipinas you might like, Mr. Tan. We can wait for the time you'll find someone you want to marry."

"But I've already found that 'someone'. What do you think, Claire?" baling ni Mr. Tan sakin.

"I'm sorry, Mr. Tan but---"

"It's Cedric to you Claire." Nakangiting wika nito na lalong ikinasingkit ng mga mata niya.

Namula ang pisngi ko. "I'm sorry, Cedric but I cannot marry you. Surely, there are other ways for you to put up your business here aside from marriage."

"I agree with my girl, Mr. Tan. What if we offer you 60% stocks of our business in China and we will have 60% stocks of yours in the Philippines? That's quite fair, isn't it? And it would be still constitutional." Segunda naman ni Warren.

"Tan Global is a well-known company in China. Why would I want to stick my nose on someone else's business when I have my own successful company?" maangas na sabi ni Cedric.

Natahimik si Warren ng mga ilang minuto rin bago ngumiti kay Mr. Tan. "I guess, this is your way of declining our proposal, Mr. Tan."

Ngumiti pabalik ang lintik na instik, "It's you who are declining my proposal, Mr. Lazares. I guess, you must really love your girl. I thought she was just a fling for you."

Tumawa si Warren at lumingon sakin, kumindat siya ulit bago bumaling kay Mr. Tan. Shit na malagkit! Ang swerte ko ngayong araw na 'to!

"But anyway, if you changed your mind, you can contact me anytime. I'll give you a week to think about it." ani Mr. Tan at tumayo na sa kanyang kinauupuan.

Tumayo rin si Warren kaya tumayo na rin ako.

"It's a pleasure to meet you, Mr. Tan." pormal na pamamaalam ni Warren.

"Pleasure is all mine." Nakipagkamay pa si Mr. Tan kay Warren bago bumaling sakin. "I'll miss you, sweetheart. Please convince your boyfriend to accept my proposal." Ngumiti siya.

Tumawa lang ako bago nakipagkamay sa kanya. Saglit lang 'yon dahil hinila agad ni Warren ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Mr. Tan.

 
"Bakit hindi ka tumanggi?" tanong ni Warren nang nakaalis na si Mr. Tan.

"Tumanggi saan?" Naguguluhan kong tanong.

"Sa pakiusap niya." pasigaw ng tanong niya.

Anong problema nito?

"Anong pakiusap?"

"Na kumbinsihin mo akong tanggapin yung proposal niya. Hindi ka naman tumanggi, tumawa ka lang! May gusto ka ba do'n?"

What?

"Wala 'no! Saka bakit ka ba nagagalit? Ang plastic mo! Gusto mo lang yata tanggapin yung offer niya pero nahihiya ka lang kasi nandito ako!" ganting sigaw ko.

"Of course not! You know what? I'm thinking maybe, I should've not brought you here. Asking you to come with me was a mistake!"

Napanganga ako.

"Bakit? Nagsisisi ka kasi napurnada yung binabalak niyong business sa China dahil sakin? Aminin mo na kasi! Kung gusto mo, tawagan mo si Mr. Tan at sabihin mong pumapayag ka na sa offer niya. Sabihin mo magpapakasal na ako sa kanya! May pa-girlfried-girlfriend ka pang nalalaman d'yan!"

"What? Ikaw pala 'tong plastic, eh! Gusto mo naman palang pakasalan yung intsik na yun dapat kanina mo pa sinabi!"

"Hindi kaya!"

"Eh bakit mo sinabing tawagan ko siya at sabihin pumapayag ka ng magpakasal sa kanya?"

"Kasi sabi mo nagsisisi ka na isinama mo ko dito, ibig sabihin nanghihinayang ka sa napurnada niyong business!"

"I'm not! Hindi kita dapat sinama kasi kung iniwan na lang sana kita sa office edi sana hindi ka niya pinagnanasaan. At gustong-gusto mo naman!"

"Anong gustong-gusto? Bahala ka na nga dyan, ang labo-labo mo kausap!" sigaw ko sa kanya bago ko siya tinalikuran at lumabas ng conference hall.

Nakakabwisit! Pagkatapos akong pakiligin bibwisitin naman ako! Wala rin!

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon