XV

371K 5.7K 524
                                    

Chapter Fifteen

 
Lumabas ako papunta ng parking lot ng hotel. Palinga-linga ako para hanapin yung sasakyan ni Warren pero bigo ako. Nabwisit pa ko lalo sa kanya ng ilang minuto na mula nang nag-walk out ako ay hindi man lang niya ako hinabol!

Buti na lang nilapitan ako ng valet ng hotel. "Excuse me, ma'am. Can I help you?" magalang na tanong ng lalaki na nasa early twenties siguro ang edad.

"Pakitulungan naman akong hanapin yung BMW i8 na black?"

Buti na lang kabisado ko pa yung model ng kotse niya. Kotse pa kasi ni Warren yun noong teenage years niya.

"Basement, number 21 po Ma'am. Wala po sa amin yung key?"

Ngumiti ako nang alanganin. Balak ko sanang hintayin na lang siya sa loob kung sakaling pina-park niya yung kotse niya sa valet pero hindi pala. Maghihintay na lang siguro ako sa labas niyon.

"May problema po ba Ma'am? Gusto niyo po samahan ko kayo?" tanong ng valet nang mapansin siguro na medyo namomoblema ako.

"Hindi na, mamaya pa kami aalis ng girlfriend ko," sabi ng asungot na biglaang sumulpot sa tabi ko.

Ang bilis niya magpalit ng mood. Kanina lang halos lamunin na niya 'ko sa sigaw niya tapos ngayon balik na naman yung playful side niya. Nakakairita lang.

"Hindi ka pa uuwi? Mauuna na 'ko?" pagsusungit ko sa kanya.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Sige. Maglalakad ka?"

Aba! Mukhang natutuwa talaga siyang paglaruan ako, ah?

"Hindi! Magtat-taxi ako!" Bwisit ka!

"Okay. Ingat ka, ha?" tumatawa niyang sabi.

Inirapan ko lang siya sa inis.

"Sasamahan ko na po kayo mag-abang ng taxi, ma'am." offer ng mabait na valet.

Nginitian ko siya. "Talaga? Naku, ang bait mo naman! Tara!"

"Joke lang. Hindi pa tayo uuwi, kakain muna tayo," saad ni Warren sabay akbay sakin. Agad ko namang inalis yung kamay niya.

Ha! 'Kala mo, ah?

"Hindi na baby, mauuna na ko. Busog pa ako, eh."

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya, naghugis letter O pa ang bibig niya. OA lang, ah?

"Hindi. Gutom ka kaya." aniya sabay hatak sa kamay ko. "You may leave now." sabi niya naman sa malamig na boses nang binalingan niya ang valet.

"Teka lang kuya! Sasamahan niyo pa akong mag-abang ng taxi, 'di ba?" awat ko kay kuyang valet nang umamba na siyang aalis.

Patuloy kong inaalis ang kamay ko mula sa paghawak ni Warren pero lalo lang niya ako hinihila palapit sa kanya.

"Hindi pa nga tayo aalis. Kakain muna tayo, okay?"

"Hindi pa nga ako gutom." Arte ko.

"Gutom ka! Narinig kong kumulo yung tyan mo kanina!" Hatak ulit.

"Hindi nga sabi! Baka tyan mo yun!" Hatak ko pabalik. Para kaming nagta-tug of war tapos yung kamay ko yung pinag-aagawan.

"Kuya tulungan niyo nga ako, ayaw ako pakawalan nito, eh." sabi ko kay kuya na matiyagang naghihintay.

Nakita kong nagkamot sa ulo ang valet. "Naku, ma'am. Hindi po ako pwedeng umeksena sa LQ ng ibang tao lalo na po kung hindi naman ako kasama sa relasyon. Hindi po ako pwedeng makisawsaw sa relasyon ng iba." mahabang litanya ni kuya. Hugot yun, ah!

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon