VII

446K 6.5K 180
                                    

Chapter Seven

 
"Let's go," ani Warren nang mai-park na niya nang maayos ang kotse niya sa parking lot ng Alabang Town Center.

Sa haba ng oras ng aming binyahe, hindi ko pa rin naisip kung bakit niya naisipang bigla-bigla na lumabas. Sa itsura niya ngayon, mukha pa siyang excited at tuwang-tuwa.

Siguro dahil na-miss niya ang Pilipinas at binalak niyang mamasyal sa mga lugar dito sa oras na makabalik siya mula ibang bansa. O kaya naman ay gusto niyang mag-shopping ng mga bagong damit dahil iniwan niya ang iba niyang mga lumang damit sa States.

Tama, kaya hindi dapat ako umasa na date 'tong ginagawa namin ngayon. Mahirap mag-assume.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko makalipas ang ilang minutong panghahatak niya sa akin sa kung saan. 

Dalawang escalator na ang nasakyan namin at ilang metro na rin ang nalakad namin pero hindi pa rin siya humihinto. Ilang shops for male na rin ang nalagpasan namin.

"Basta, we're almost there."

"Timezone?" Tanong kong may halong di pagkapaniwala nang huminto siya sa tapat ng nasabing arcade.

"Yep. Cool right?" saad niya habang nakangiti na abot na sa kaniyang mga tainga.

"Ha?" Ngumiti ako nang alanganin. Seryoso ba siya?

"Don't just stand there. Let's go!" aniya nang lumingon siya sa likod, nauna kasi siyang naglakad papasok at nanatili akong nakatayo sa labas.

Unang beses pa lang akong makakapasok sa ganitong lugar. Wala kasi akong masyadong kaibigan noong elementary, highschool at college days, si Rachel lang at lagi ko siyang tinatanggihan sa tuwing nagyayaya siyang mag-mall. Kailangan ko kasing tulungan si Mama sa trabaho at tutok pa ako sa pag-aaral. 

Hindi rin ako dinadala ni mama sa ganitong lugar noon dahil sayang daw ang pera, imbes na gumastos para lang maglaro ay kumakain na lang kami sa Jollibee. 

"Sa itsura mo ngayon, parang club ang papasukan mo at hindi arcade, ah?" sabi Warren habang nakangisi nang naglakad na ako para sundan siya.

Pumula ang pisngi ko. "Ano ba kasing gagawin natin dito? Pambata lang ang ganitong lugar, eh." depensa ko.

Tumawa siya. "Hang loose, baby. We're never too young nor too old for anything." Kumindat siya.

"Epekto ba to ng Western culture sayo? Kung oo, bakit ganito? Hindi ba dapat sa isang bar o club mo ako niyayaya?" sunod-sunod kong tanong.

Lumamig ang ekspresyon ng kanyang mukha na ikinakaba ko, "Don't insult me. You know I'm not that type of person, if ever I am, you should know that I will never bring you into that kind of place." seryoso niyang saad. "Pero alam ko naman na umaatake na naman yang pagka-'Mary Claire' mo kaya okay lang, naiintindihan ko." dugtong niya na nakangiti na.

Ngumiti na lang rin ako, o ngiwi yata 'yong nagawa ko. Nakakaasar talaga kapag hinahambing niya ako kay Maria Clara. Bagay na bagay daw sa akin ang pangalan kong Mary Claire na English term ng Maria Clara.

 

"Ano 'to?" tanong ko nang pinaupo niya ako sa gilid kung saan kita ang mga nagsasayaw na tatlong istudyante sa harap ng isang malaking flat screen tv. Merong sumasayaw na avatar sa tv at mukhang iyon ang ginagayang steps ng mga nagsasayaw.

May mga ilang taong nagtitinginan sa mga sumasayaw. Grabe, hindi ba nakakahiya yun?

"It's called Dance Central. A game wherein you have to follow the dance steps shown by the avatars," aniya nang nakangiti.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon