Chapter Forty-Six
Naiwan akong nakatayo ro'n habang iniisip ang ibig sabihin ng sinabi niya.Don't worry, I'll stop breathing.
When I told him to stop breathing, it meant nothing. It was a blank plea. Hindi ibig sabihin no'n na gusto kong literal na tumigil siya sa paghinga at mamatay.
Ngayon tuloy ay naguguluhan ako sa kahulugan ng sinabi niya. Alam kong hindi kami pareho ng takbo ng isip. Hindi naman siya magpapakamatay, 'di ba? Masyado niyang mahal ang sarili niya para gawin 'yon.Buong maghapon ay 'yon ang tumatakbo sa isip ko. Hindi pa rin siya bumabalik kaya medyo nag-aalala ako.
"Mommy, where's daddy?" ani Wayne habang pababa ng hagdan.
Mula kanina ay abala siya sa paglalaro sa kwarto niya kaya wala siyang kaalam-alam sa pagtatalo namin ni Warren at ang pag-alis ng daddy niya.
"He's in his office, baby eh." sagot ko na ikinanguso niya.
"I'm starving." Umupo siya sa couch na kinauupuan ko.
"Good. Dinner na tayo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Aren't we gonna wait for him?"
"He told me it'll take long for him to come back." Nakagat ko ang labi ko sa pagsisinungaling.
"It's okay, mom. I can wait." Ngumiwi siya nang tumunog ang tiyan niya sa gutom.
"Sure you can." natatawang sabi ko na ginantihan niya lang nang pagsimangot.
Sa bandang huli ay naghapunan na rin kami ni Wayne. Naghintay kami ng dalawang oras dahil pinilit niyang maghintay kaya pinakain ko muna siya ng snacks.
Ngayon ay alas dies na ng gabi, nahilamusan at napatulog ko na si Wayne ay wala pa ring Warren na dumarating.Sinubukan ko nang tawagan siya pero nakapatay ang cellphone niya. Nag-aalala na ko nang sobra at nabibwisit sa sarili ko dahil hindi ko dapat maramdaman 'yon. Dapat nga ay samantalahin ko ang pagkakataon at ilayo na si Wayne habang wala pa siya pero hindi ko magawa. Nagtatanga-tangahan na naman ako.
Napaitlag ako sa excitement at gulat nang tumunog ang cellphone ko. Idagdag pa na unknown number ang nag-text. Baka nakitext si Warren sa kung sino dahil low batt na ang cellphone niya.
Unknown Number:
Hi, Claire! This is Richard. Still awake? Can I call you?Parang lobong unti-unting na deflate ang pakiramdam ko. Gayunpaman ay nag-type pa rin ako ng reply.
Ako:
Yes. Sure.
Wala pang isang minuto mula nang nag-text ako ay tumunog na ang cellphone ko dahil may tumatawag.Kahit alam kong si Richard ang tumatawag ay hindi ko napigilang umasang si Warren 'yon. Napupuno nang pag-aalala at inis sa sarili ang isip ko.
"Hello?" sabi ko nang sagutin ko ang tawag."Claire?" Si Richard nga.
Humugot ako nang malalim na hininga. Kahit walang gana ay sinikap kong patununging masaya ang boses ko. "Napatawag ka?"
"Ah.. yes. About the condo unit we were talking about earlier. May bakante sa katabi ng unit ko. Are you interested?"
"Ha? Oo naman." Tumawa ako ng bahagya na naging pilit yata ang tunog.
Kanina ay buong-buo ang desisyon kong iwan ang magulong buhay na 'to pero bakit nag-aalinlangan na ako ngayon? Ayokong isipin na nalalason na naman ang utak ko sa mga sinabi ni Warren. Pero baka gano'n nga ang nangyayari dahil nginangatngat na nang pag-aalala ang puso ko para sa kanya.
"Really? Shall I talk to the owner? Wala ka bang balak tignan muna yung unit?" Halata ang excitement sa tinig ni Richard na bahagyang ikinangiti ko. Naging mabuting kaibigan siya sa akin noon kaya hindi ko hahayaang mabaliwala lang iyon dahil sa ginawa sa akin ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)
General FictionNow available in Shopee and all bookstores nationwide. Please grab a copy for only P150.00.☺️