XXXVIII

212K 3.3K 94
                                    

Chapter Thirty-Eight
 
  
Pagkagising ko ay tulog na tulog pa rin si Warren. Nakadapa siya sa kama at humihilik. Hindi naman nakadagan ang braso at hita niya sa akin kaya madali akong nakabangon.

Dumirecho agad ako sa banyo para maligo. Nawala na sa isip kong hubarin ang gown ko sa pagod at sakit kagabi kaya hinayaan ko na lang na matulog akong suot iyon. Ngunit ngayon ay nakasuot na lang ako ng undergarments. Baka hinubad na ni Warren sakin.

Matapos maligo ay binuksan ko ang maleta ko na pinaglalagyan ng mga damit na susuotin ko sa Santorini. Mamaya na pala ang byahe namin.

Umismid lang ako at naghanap na ng maisusuot. Limang maiikling night dress pa ang nahawakan ko bago ako nakahanap ng matinong isusuot.

Bwisit. Sino ba ang naglagay ng mga damit dito? Wala naman akong mga ganung damit, eh! Bukod sa binili ni Rachel na sinunog ko na sa sobrang panggigigil.

Nang matapos na akong mag-ayos ay kinuha ko ang mga importanteng gamit tulad ng cellphone at pera. Pinagmasdan ko pa sandali ang mahimbing na pagtulog ni Warren bago ako umalis.

Pagkalabas ng hotel ay pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Golden Haven Memorial Park. Habang nasa byahe ay nag-type ako ng message para kay Jane at Grace.

To: Mary Grace; Mary Jane
 
Kita tayo sa sementeryo. Please?

Sandali lang ay nakatanggap na ako ng reply.

From: Mary Grace
 
Saan?

From: Mary Jane

At bakit?

Ngumuso ako habang nagta-type ng reply para sa kanila.

To: Mary Grace
 
sa kay Clark.

From: Mary Jane

Please. I need help.

Buti na lang at mabilis silang mag-reply ngayon dahil sandali lang ang byahe ko sa taxi.

From: Mary Grace
 
Okay.

From: Mary Jane
 
Fine. Sa golden haven di ba?

Nagbayad muna ako at bumaba ng taxi bago ako nag-reply.

To: Mary Grace
 
Nandito na ko. Pakibilisan.

To: Mary Jane
 
Oo. Nandito na ko. Dali.

 
Wala ng reply matapos no'n. Baka nagkanya-kanya na sila ng ligo. Sinilent ko na rin ang cellphone ko para walang istorbo.

Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsimulang tahakin ang daan papuntang museleo ng mga Lazares. Baka sakali lang na dito inilibing ang anak ko kaya dito ako pumunta kahit hindi ako sigurado. Pero sinabi naman ni Jane na sa Golden Haven kaya dito na nga siguro 'yon.

Sa tuwing araw ng mga patay noon ay dito kami pumupunta dahil doon rin inilibing ang papa ko. Ang mababait na magulang ni Warren ang nagsagot lahat ng gastusin ng pagpapalipat no'n mula sa isang masikip at siksikan na sementeryo.

Bakit ba hindi namana ni Warren ang kabaitang ng mga magulang niya?

Matapos ang ilang minutong paglalakad, huminto ako sa tapat ng itim na gate na may kulay puting parang mataas na bahay sa loob at may anghel sa magkabilang gilid.

Nang tumuloy ako sa loob ng gate ay muntik pa akong mamroblema nang nakitakong naka-lock ang mismong pinto ng museleo. Buti na lang at naalala ko ang spare key sa likod nang paanan ng anghel.

Pagbukas ng pinto ng museleo ay bubungad ang altar na may poon na nakapako sa krus, sa paanan nito ay may sari-saring mga bulaklak. Sa tapat naman niyon ay may tatlong lapida. Ang dalawa ay magkatabi, ang lolo at lola ni Warren. Ang isa naman ay nakahiwalay pero nakahanay pa rin sa dalawa, 'yon ang kay Papa. Sa paanan naman niyon ay may maliit pang isa. Sigurado akong 'yon na nga ang sa pangalawa sanang anak ko.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon