Cont. of Chapter Twenty
"Pinagloloko mo ba ako?" naiiritang sabi ko. Alam kong maling sabihin ko 'yon lalo na't isa siyang importanteng businessman at ako ang may kailangan sa kanya pero okay lang, hindi naman niya ako maiintindihan eh. Hindi siya nakakaintindi ng tagalog."Hmm?" nakangisi pa ring sabi niya.
"How did you know I'm already married to Warren?"
"I am supposed to ask you that question. How did you know you're already married to that douche?" naguguluhang tanong niya.
"How could I not know?" Binigyan ko siya ng 'duh' expression.
"Wait, so you don't have an amnesia?!" Nanlaki ang mata niya sa gulat. Well, parang hindi naman nanlaki, sa sobrang singkit ng mata niya, parang normal na mata ng Pinoy lang ang itsura.
"So I really have an amnesia?" May hinala na 'kong may amnesia ako, eh, gusto ko lang i-clarify. Para kasing sa mga movies lang nangyayari yun, kaya ayaw kong maniwala na may amnesia nga ako kahit nagsisigawan na yung mga signs.
"Oh, Christ! You didn't know?"
"Of course, I did not! May amnesia nga eh, tanga ka ba?" saad ko ulit sa naiiritang boses. Sige lang, 'di niya maiintindi--
"Naiintindihan ko 'yon, ah! I am not stupid! Ang gulo mo lang kausap!"
Napanganga ako sa gulat. "Nagtatagalog ka?"
"Of course! I am half-Pinoy." Ngisi-ngisi niyang saad.
"Akala ko ba- teka nga! First things first. Nagka-amnesia nga ako?" Hindi pa rin makapaniwalang saad ko.
"Yes, akala ko ba alam mo?"
"Paano ko nga malalaman kung nagka-amnesia ako?" naiirita ko nang saad. Wala ng galang sa isang kilalang businessman yung pagturing ko sa kanya sa pagsabi nun pero nakakainis kasi talaga, eh!
Naibunton ko na tuloy sa kanya lahat ng inis ko. First, Warren, my family, everyone kept it from me. Second, this manipulative freak who made a fool out of me and Warren. Maging kay tito Winston! Lastly, my condition. This amnesia thing is destroying everything! My trust in my family, my beliefs, my life.. everything.
Ang daming tanong sa utak ko. Pano ako nagka-amnesia? Kailan pa ko may amnesia? Maibabalik pa ba lahat ng ala-ala ko? Pano 'pag hindi? Ang dami kong gustong itanong na hindi ko mabigyang kasagutan. Sumasakit ang ulo ko.
"Ang gulo mo. Pa'no mo nalamang kasal ka na kung 'di ka nagka-amnesia?" Naramdaman siguro ni Cedric yung halo-halong emosyong nararamdaman ko kaya naging malumanay ang boses niya.
Yung inis ko, lungkot, pagkalito, tuliro, galit at frustration ay sabay-sabay na ginugulo ang utak ko.
"I remembered." simpleng saad ko, halos pabulong na nga lang sa sobrang panghihina ko.
"Really?" Nakita kong nabuhayan ng pag-asa si Cedric. Hindi ko alam kung anong relasyon ko sa kanya noon, kung kaibigan ko ba siya o ano pero nagpapasalamat ako sa presensya niya. Nasasagutan niya ang ilang kasagutan sa utak ko na kay Warren ko dapat itinatanong.
"Not really." nalulungkot kong bulong.
Si Warren na sa buong akala ko ay ex-boyfriend ko na lang ay asawa ko na pala. Paano niya nagawang itago 'to sa akin? Paano niya ako nagawang lokohin?
Noong una, ayaw ko pang maniwala hindi dahil sa napaka-imposible niya kundi dahil malaki ang tiwala ko kay Warren. Ayokong maniwala na niloloko niya lang ako, na nagsisinungaling siya sakin pero hindi eh, naghuhumiyaw na yung panloloko niya sakin.
BINABASA MO ANG
He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)
General FictionNow available in Shopee and all bookstores nationwide. Please grab a copy for only P150.00.☺️