XXXIII

193K 3.5K 252
                                        

Chapter Thirty-Three
 
 
Pasado alas onse na ng inihimpil ko ang kotse ko sa basement parking ng condo unit niya.

Inayos ko muna ang sarili ko. Pinunasan ko ang mga bakas ng luha sa aking pisngi bago lumabas ng sasakyan.

Nagpupuyos ang kalooban ko habang hinihintay kong umakyat ang elevator sa palapag kung saan naroroon ang unit ni Rachel.

Kumuyom ang aking mga kamay sa pag-alala sa kataksilang ginawa niya.

Paano niya nagawang lokohin ako? Tinuring ko siya bilang isang matalik na kaibigan at kapatid tapos ganito lang ang igaganti niya sa akin? Walanghiya siya!

Paulit-ulit kong pinindot ang doorbell sa tabi ng punto ng unit niya. Hindi pa 'ko nakontento at sinabayan ko pa iyon ng katok sa kanyang pinto. Malakas at walang tigil.

"Sandali lang naman!" narinig kong naiiritang sigaw ni Rachel sa loob kaya tumigil ako.

Humalukipkip ako at pinigilan ang sariling sigawan siya pabalik.

"Claire! Ano'ng ginagawa mo dito?" gulat na gulat siya pagkakita sa akin.

Tumaas ang kilay ko. "Binibisita ka."

Tinulak ko ang pinto para makapasok dahil maliit na siwang lang ang nakabukas kung saan nakasilip ang ulo ni Rachel.

Pinigilan kong ngumisi nang nakita kong napaatras siya dahil sa hindi inaasahang pagbukas ko ng pinto. "Oops. Sorry." walang sincerity kong sinabi.
 
Bagay sayo, bruha.

Nilibot ko ng tingin ang newly decorated na condo unit niya. Elegante ang dating dahil puro itim ang kulay ng mga gamit. Terno sa kanyang maitim na budhi.

"Binibisita? Ng ganitong oras?" nakataas ang kilay niyang tanong.
 
Umupo ako sa kanyang sofa. "Oo. Bakit? Masama ba?"
 
Nang makaupo na ako ay saka ko lang napasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Tumaas ang kilay ko sa night dress niyang suot. 'Yon ang binili niya sa mall na kapareha ng sakin.

Ngumiti si Rachel nang mapansin ang kung anong tinitignan ko. "Maganda ba?"

"Oo sana kaso ang cheap tignan." Tumawa ako.

Ang sarap palang mag-maldita.

Nabura ang ngiti ni Rachel. "Seriously? Ano ba'ng problema mo at ganyan ang trato mo sakin ngayon? Wedding jitters?"

Agad na nagpuyos ang kalooban ko pagkarinig ng salitang wedding.

"I don't know. Maybe." saad ko sa blangkong tono. "Chel, can you get me some juice? Please."

Tumaas ang kilay niya pero sumunod din naman. "Okay. Wait here."

Humugot ako ng malalim na hininga nang nagpunta na siya sa kusina.

Pag-iisipan ko muna ang gagawin ko. Pumunta ako rito ng padalos-dalos. Tanging ang makaganti lang ang motibo ko, ni walang sapat na plano.

Natural lang naman siguro ang reaksiyon ko dahil nasaktan ako, niloko at hanggang ngayon ay patuloy na binibilog ang ulo ko.

Kung hindi pa nabalik ang mga ala-ala ko ay mananatili akong biktima ng pagtataksil nila. Mananaliti ako sa bangungot na inakala ko'y isang panaginip. At ngayong nagising na ako, ang option ko lang ay maghiganti o magpatawad.

Pero nunca na papatawarin ko sila. Patawarin ako ng Diyos pero maghihiganti ako. Hindi ko sila hahayaang magsaya habang ako ay nagdurusa.

"Here's your juice, Claire." ani Rachel pagbalik. Pinagmasdan ko ang pagbaba niya ng baso sa lamesa bago umupo sa tabi ko.

"So.. Ano'ng balak mo sa condo ko? Gusto mog gumimick tayo bago ang kasal mo?" Humalakhak siya.

Kumunot ang noo ko. Ano ba ang plano nila ni Warren? Kung gusto nilang magsama, edi sana ay divorce na lang ang inasikaso nila at hindi ang kalokohang kasal na 'to.
 
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso sa pagkaka-alala kay Warren. Agad na namang nag-init ang ulo ko.
 
"Where's your boyfriend, Chel?" nakataas ang kilay kong usisa.

"Sinabi ko na ngang ipapakilala ko siya sayo bukas sa kasal mo." Ngumisi siya.

"Kilala ko na."

Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay. "Sino?"

Imbes na sabihin ang pangalan ay ngumisi lang ako. "You're a slut. Do you know that?"

Ngumisi rin siya pabalik sa halip na magulat sa sinabi ko. "I know." Humalakhak siya.

"Let's quit playing, Claire. Ano? Alam mo ng may relasyon kami ni Warren?" Ngumiti siya. Ngiting demonyita na ang nakikita ko sa pagngiti niya.

Napatayo ako sa galit at gulat sa kanyang pahayag. "You look so proud. Hindi ka man lang ba magso-sorry sa ginawa mong kataksilan? Naging mabuting kaibigan ako sayo!"

Umingos siya at tumayo na rin. "And I hated it! I hated how you treated me nicely when I wanna pull your hair every goddamn time you steal Warren's attention from me!"

Napanganga ako sa gulat. So simula pa lang dati ay niloloko niya na ako? "You backstabbing btch! Itinuring kitang kapatid!"

"Oh, please. Cut the drama." Umirap siya. "So kanino mo nalaman? Kay Jane ba? Ugaling kalye talaga ang madaldal mong kaibigan." Ngumisi siya ulit.

Nang-gigigil na kinuha ko ang baso ng juice at walang sabi-sabing binuhos ito sa kanya. "How dare you insult my friend!"

"Ugh!" sigaw niya habang pinupunasan ng palad niya ang kanyang mukha. Humalakhak ako.

Naaasar na nag-angat siya ng tingin sa akin. "Hating me when you should be hating yourself for your messed-up life? Ikaw naman ang dahilan kung bakit ako pinili ni Warren na maging mistress niya. Because you're too stiff, too uptight, too boring for his loving."

'Di ko napigilan ang sarili ko kaya sinampal ko siya. Hindi pa ako nakuntento at hinila ko ang buhok niya. Tumayo ako sa sofa para hindi niya maabot ang buhok ko at makaganti.

"Let go of me, btch!" sigaw niya habang sinusubukang tanggalin ang kamay ko.

Puro kalmot na ang braso ko dahil sa mga mahahaba niyang kuko pero hindi ko ininda. Wala lang ito kumpara sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.

Hinihingal na pinapanood ko siyang nagpupumiglas hanggang sa narinig ko ang paghikbi niya sa sakit ng sabunot ko. Agad ko siyang binitawan.

"Bye." nakangisi kong paalam sa kanya bago ako nagpasyang umalis ng unit niya.

But my farewell is just for now. Hindi pa ako tapos sa kaniya, sa kanilany dalawa.

"Wait." Hinihingal niyang pigil sa akin na ikinatigil ng akmang paghakbang ng paa ko.

"This dress which you said that looked cheap on me.." pabitin niyang sabi. Hindi ko siya nilingon.

"Warren said earlier that I look gorgeous wearing it. He's actually in my room. Fast asleep from our lovemaking. Do you want to see him?"

"No. Wala akong pakialam sa kanya." walang lingon-likod akong humakbang palabas ng condo niya habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Happy birthday, Claire!" Narinig ko pang sigaw niya bago humalakhak.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon