IV

510K 7.9K 433
                                    

Chapter Four
 

"Bakit ako? Bakit hindi si Kevin? You know I'm not an outgoing type of person, Warren. I can't come with you to that out of town business meeting. I'm sorry," sabi ko kay Warren nang ipinaalam niya sa akin ang meeting niya with Mr. Tan sa Laguna sa darating na Lunes. Gusto niyang sumama ako roon pero ayoko.

"Well I'm sorry too but you're coming with me," sabi niya habang nakakunot ang noo. Bago pa man ako makapagprotesta ay nagsalita na siyang muli. "I'll be out on a boring dinner with the oldies tonight then we'll go home."

"You don't have to come back here just to give me a lift. I can manage," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanyang mga mata. May kakaiba kasi sa kanyang tingin. Para akong nalulusaw sa init ng kanyang titig.

"I bet you can," sagot niyang may halong sarkasmo.

"Kaya kong umuwi mag-isa Warren," sabi ko sa tono na parang may gustong ipaintindi sa isang bata.

"I'm the boss and you'll do as I say," sabi niya sa malamig at seryosong tono bago umalis.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Do you have any idea what time is it already, Mary Claire?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla kong narinig ang pamilyar na baritonong tinig boses na 'yon. Tumingin ako sa relo sa aking bisig at napapikit na lang ng makitang alas nuwebe na pala. Alas nuwebe na pero hindi pa rin ako tapos sa ginagawa ko.

"It's nine o' clock you can go if you can't wait for me," sabi ko nang hindi lumilingon.

"I drove the fastest I could so I can get here and drag you to a fancy restaurant and eat. I thought that you'd forget about the time and dinner because you'd be so engrossed with what you need to do and I can clearly see now that you really did. I'm so exhausted baby, you know how worst the traffic could get here in the Philippines. Please be a good girl for once and obey me."

Gusto ko sanang sabihin na bakit hindi na lang siya dumeretso pauwi pero naumid ang dila ko sa ginamit niyang salita pantawag sa akin. At nang mahalata ko ang pagod sa kanyang mga mata ay sumuko na ako. "Fine. Let me just fix my things."

Ngumiti siya sa kabila ng pagod sa kanyang mga mata, "Good girl."

"Grabe nga ang traffic.." napabulaslas ko nang nanatiling hindi umuusad ang mga sasakyan sa kabila ng mga minutong lumipas.

"Yeah.. it makes me wanna take LRT sometimes," bulong nito na nakakuha ng atensyon ko.

"LRT? You? I must be dreaming," I laughed.

Warren Lazares is a lady trapped in a man's body. Daig pa yata niya ang isang babae. Ayaw na ayaw niya sa mainit, maingay at matataong lugar. Never mo siyang makikita sa isang bar or sa party. Napipilitan pa nga siyang pumunta tuwing may party na kailangan idaos ang kompanya nila.

Lumingon siya sa akin. Ewan ko kung imahinasyon ko lang iyon o talagang may dumaang kalungkutan sa mga mata niya bago siya tumawa, kahit ang tawa niya'y parang may halong lungkot, "Yeah, I must be dreaming either."

"Muntik ko nang makalimutan, I bought a lot of packs of your favorite TimTam yesterday. I still don't think it's healthy pero pwede na rin kesa magutom ka. It's in the compartment," sabi ni Warren makalipas ang ilang mga minuto.

Dali-dali kong kinalkal ang glove compartment at napangiti ako sa dami ng paborito kong chocolate biscuit na nakatabi roon. Noong highschool ako, puno rin ng ganito ang kotse ni Warren. Nakakatuwa na naaalala niya pa sa kabila ng mga panahong lumipas.

"Thank you!" sinsero kong saad bago nagsimulang kumain.

"I'd appreciate if you'll give me some. I still haven't had dinner you know," sabi ni Warren makalipas ang ilang segundong pagkain ko. Napamaang ako.

"Akala ko ba dinner meeting ang pinuntahan mo? Hindi ka kumain?"

Umiling ito. "'Just took a sip of coffee. I was plannig to take the dinner out with you. Hindi ko ba nasabi kanina?"

Umiling ako habang halos malaglag na ang panga ko sa hindi pagkapaniwala. Ano bang kabutihan ang nagawa ko at binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos na kiligin ng ganito?

"Mary Claire, subuan mo naman ako niyan." sabi nito kapagkwan.

Kumuha ako ng isa at sinubuan ko siya kahit nakakailang. Nakita ko ang pagpipigil niyang ngumiti habang ngumunguya.

"Ang sarap pala nito, kaya pala gustong-gusto mo 'to. Isa pa nga." hirit niya na parang bata at sumunod naman ako.

"One more please," sabi niya. Sinubuan ko siya ulit bago ako kumuha ng para sa akin. Bago ko pa man iyon makain ay nanghingi siya ulit.

"Nakakagutom! Pahingi pa ng isa," wala akong nagawa kundi sumunod.

"Isa---"

"You know what? I have a place a few blocks away from here. Let's just go there, so we could both eat then head home," putol ko sa nais niyang sabihin.

Nakita kong ngumisi siya na parang nakaloko ng tao. "Okay, that's nice. Lead the way, ma'am."

  
 
"Nice place," Warren said wryly when we reached my apartment.

Hindi ko 'to gaanong napupuntahan. Tuwing halos madaling araw na ako umuwi galing trabaho o kaya grabe ang traffic ay dito na ako tumutuloy dahil malapit ito sa office. Pinag-iisipan ko na rin noon na humiwalay na sa mga Lazares at dito na kami titira ni mama kaso nakakahiyang magpaalam, baka sabihan pa akong walang-utang na loob.

"Feel free to roam around. Titignan ko lang kung ano ang pwedeng lutuin," sabi ko bago nagtungo sa kusina at nagkalkal ng stocks. Nagpasalamat ako na naggrocery ako nung nakaraang araw kung hindi ay magdidildil kami ng asin.

Naglabas ako ng manok, bawang at iba pang sangkap para sa adobo.

"Need help?" narinig kong saad ni Warren mula sa likod.

"Just sit down there and don't move. Tita Cecile banned you in the dirty kitchen, iba-ban rin kita sa dirty kitchen ko at baka masunog mo pa 'tong apartment ko," sabi ko nang hindi lumilingon.

"Great," narinig kong bulong niya na binalewala ko na lang. Ipinagpatuloy ko ang paghihiwa sa bawang at sibuyas.

"Bakit may picture ako dito, Mary Claire?" narinig kong sabi ni Warren mula sa kung saan na nakakuha ng atensyon ko.

Anong picture?

Sa sobrang taranta ko ay hindi ko na namalayan na naitapat ko na ang daliri ko sa mga hinihiwa ko. Napansin ko na lang nang maramdaman kong ang paghiwa ng kutsilyo sa balat ko. "Aw!"

"Why? Is everything alright?" halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Warren.

"You've cut your finger! Shit!" bago pa man ako nakahuma ay naisubo na ni Warren ang daliri kong nagdurugo na. Agad na pumula ang aking mga pisngi sinubukan kong bawiin ang aking kamay pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak doon.

"W-warren anong ginagawa mo?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Nagtanong lang ako at baka sakaling sumagot siya, sa ganoong paraan ay maiaalis ko ang kamay ko pero hindi niya ko pinansin.

"H-hindi na masakit, bitawan mo na ko," sabi ko.

Napalunok ako nang nagtama ang mga mata namin. His stare is intense. Ang lamig-lamig ng impresyon ng kanyang mukha pero ang init ng kanyang titig.

"W-warren," nauutal kong saad.

"Hmm," parang napugto ang aking hininga ng naramdaman ko ang pagkagat niya sa dulo ng aking mga daliri bago ito pinakawalan. "You taste sweeter than chocolate."

Namalayan ko na lang na dinadala na niya ako kung saan...

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon