Chapter Forty-Three
Nagsalubong ang kilay ni Wayne at natahimik saglit. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Paano kung hindi siya pumayag? Paano kung piliin niyang sumama kay Warren kaysa sakin?
"Iiwan na natin si daddy, sa ibang bahay na po tayo titira?" blanko ang boses niya maging ang kaniyang ekspresyon. Hindi ko alam kung malungkot ba siya, naguguluhan o ano.
"Oo, dun tayo titira sa bahay ni mommy. Maliit lang 'yon pero ang importante magkasama tayo, 'di ba?" alanganin kong sabi.
Suminghap siya. "Hindi kasama si daddy? Dun na lang po tayo sa bahay natin. Malaki na tapos kasama pa natin si daddy."
"Ah, kasi Wayne.." Pasimple kong nilingon ang taxi driver na tama nga ang hinala ko, palinga-linga siya sa rearview mirror kung saan kita kami.
Ngumuso ako. Nakikiusyoso pa si Manong. "Mamaya ko na lang sasabihin sa bahay, ah? Pagod pa kasi si mommy, eh."
Nakalabing tumango na lang siya. Naaawa naman ako sa anak ko. Kailangan niya pang madamay sa away namin ni Warren.
Nilagay ko ang braso ko sa kanyang leeg at hinila pasandal sa katawan ko. Mahigpit ko siyang niyakap. "Malulungkot ka ba kapag hindi natin kasama si daddy?"
"Syempre, mommy. And ayaw ko pong tumira sa ibang bahay. Wala akong toys do'n." nakanguso niyang sabi na ikinangiti ko.
"Bukas bibili tayo ng maraming toys mo tapos ilalagay natin sa bago nating bahay. Okay na ba 'yon?"
"Opo. Tapos tawagan natin si daddy para sumunod na lang siya sa bago nating bahay." nakangiti niya ng saad.
Napangiwi ako, napapasyahan kong ipagpaliban muna ang pagsasabi sa kanya ng tungkol sa paghihiwalay namin ni Warren habang wala pa kami sa pribadong lugar.
Ilang minuto na lang naman ang hihintayin ko at makakarating na kami sa apartment ko.
Napabuntong hininga ako sa isiping hindi pa kami ligtas doon. Kailangan naming lumipat ng bahay kung saan hindi alam ni Warren para hindi niya kami masundan.
Buti na lang at may ipon ako sa bangko, magagamit ko 'yon bilang pangsimula para sa paghahanap ng bagong matutuluyan. Iniisip kong mag-rent ng condo kahit may kamahalan para secured kami. Mahigpit kasi ang security doon, hindi sila basta-basta nagpapapasok ng guests at hindi rin basta-basta nagbibigay ng impormasyon tungkol sa tenants.
Ang problema nga lang ay kung saan ako hahanap ng bakanteng unit na maiitatago kami kay Warren. Marami dito sa Taguig pero hindi naman pwede dahil siguradong ito ang unang lugar na hahaluglugin ni Warren dahil nandito nga ang apartment ko. Maganda pa naman sanang lugar ito dahil sa loob mismo ng lungsod ay maraming kompanyang pwede kong apply-an para magtrabaho. Ngunit hindi talaga pwede dahil kapitbahay ng Taguig ang Makati at sa huli nakatirik ang main building ng L Corp.
Mahirap na't baka aksidenteng makita niya kami. Mabuti nang mag-ingat. Kung pwede nga lang na sa ibang bansa kami manirahan ay gagawin ko, kaso hindi sapat ang perang pinag-ipunan ko.
Hindi nagtagal ay nakatulog na si Wayne sa byahe, hanggang sa makarating kami sa apartment ay tulog pa rin siya. Hindi ko na siya ginising at binuhat ko na lang papasok ng bahay. Inilapag ko siya sa kama ko bago binihisan.
Hinayaan ko muna siyang magpahinga. Iniwan ko siya sa kwarto at lumabas sa sala para tawagan si mama. Medyo kinakabahan pa ako sa kung anong sasabihin niya kapag sinabi ko na ang totoo. Paborito niya kasi si Warren. Kung minsan nga ay iniisip kong mas mahal niya pa ang kumag na 'yon kaysa sa sarili niyang anak.
"Hello, ma?" bungad ko nang sinagot niya na ang tawag.
"Maria Clara! Diyaske kang bata ka! Ano ba'ng problema nino ng asawa mo? Galing siya dito at galit na galit siya nang malamang kinuha mo si Wayne. Ano ba talaga ang nangyayari? Dapat ay nasa—-"
BINABASA MO ANG
He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)
General FictionNow available in Shopee and all bookstores nationwide. Please grab a copy for only P150.00.☺️
