XXXII

197K 3.4K 265
                                    

Chapter Thirty-Two
  
 
"Akala ko ba busy sa trabaho ang asawa mo?"

"Bakit?" naasar kong sagot kay Jane.

Lately ay palagi niya na lang akong binibigyan ng rason para pangambahan ang relasyon namin ni Warren. Lagi niya na lang pinagpipilitan na may iba ang asawa ko. Na hindi naman makatarungan.

Naasar na nga ako sa kanya, eh. Kung totoong kaibigan ko siya, bakit parang gusto niyang sirain kami ni Warren?

"Nakita ko siyang may kasamang babae kanina sa main hotel kung saan ako naka-assign. 'Yan ba ang busy? Busyng makipaglandian?" naiiritang saad ni Jane.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Tinawagan ako ni Warren kanina para sabihing may appointment siya with an investor. Baka yun yung nakita mong babaeng kasama niya." paliwanag ko sa kanya.

"Sa hotel?" pag-uulit niya.

Umirap ako. "Kanino bang hotel? Sa kanila naman, 'di ba? Baka ipapakita niya sa investor ang facilities ng hotel."

"Alam ko ang nakita ko, okay? Maniwala ka sakin. Iwanan mo na 'yang asawa mo."

Bumuntong hininga ako. "Jane, alam kong concern ka lang sakin at ayaw kong isipin mo na wala akong tiwala sayo pero kung totoo ngang niloloko ako ni Warren, hindi ko pa rin siya iiwan." sabi ko na lang sa mahinahong tono para tumigil na siya.

"Ano?! Nasisiraan ka na ba?" asik niya.

Napapikit ako sa nauubos ko ng pasensya. "Hindi. Basta hayaan mo na lang si Warren."

Tigilan mo na ang pagsasabi ng mga balitang nakita mo na duda akong totoo, gusto ko sanang idugtong pero ayokong makasakit ng damdamin ng isang kaibigan kaya hinayaan ko na lang.

"Ewan ko sayo. Bilang kaibigan mo, ayokong sabihan ka ng 'I told you so' sa hinaharap. Kaya hangga't maaari--"

"Oo na, alam ko na. Thanks Jane," putol ko sa kung ano pang sasabihin niya na ulit-ulit ko nang naririnig.

"I'm always here for you, Claire." madamdamin niyang sinabi.

"Thank you," usal ko bago pinutol ang tawag.

Nagpasya akong tawagan si Kevin para itanong ang tungkol sa bagay na nakita kuno ni Jane kanina. Si Kevin kasi ang pumalit sa akin mula nang tumigil ako sa pagtatrabaho bilang secretary ni Warren.

"Hello, Claire? Napatawag ka?" sagot ni Kevin mula sa kabilang linya.

"Kevin, may ipapa-check lang sana ako sayo. Busy ka ba?" alanganin kong tanong.

"Hindi naman. Tungkol saan ba 'yon?"

"Tungkol sa bagong investor ng company."

"O? Bakit?" halata ang pagtataka sa kanyang tinig.

"Sino ba yun?" Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi sa pag-aalangan.

"Si Mr. Espinosa? Bakit? Ano'ng meron sa kanya?"

Napabuntong hininga ako. Lalaki naman pala. Akala ko ba babae ang investor na nakita ni Jane na kasama ni Warren kanina?

"Siya lang ba?" subok ko pang tanong. Ayokong isipin na nagsisinungaling nga ang kaibigan ko.

"Oo, siya lang."

"Kev, paki-check naman kung sino ang mga babae sa stock holders ng LCorp, please." subok ko pang muli. Baka mamaya ay hindi naman pala new investor ang nakita ni Jane kanina.

"Wala, Claire. Puro lalaki at halos matatanda lahat. Gusto mo i-send ko sayo yung mga pangalan at background nila?" boluntaryo ni Kevin, baka nauubos na ang pasensya niya sa pag-usisa ko.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon