XXIV

281K 5.1K 637
                                    

SPG: S
  
  
Chapter Twenty-Four
 
  
"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko kay Warren. Kanina pa niya pinapatakbo ang sasakyan niya pero hindi niya pa rin sinasabi kung saan kami pupunta.

Mag-aalas nueve na at wala pa rin kami sa bahay. Maaga naman kaming nag-out sa office, nag-dinner lang kami saglit sa labas tapos eto na nga, nagbabyahe kami at hindi ko alam kung saan patungo. Pamilyar naman ang daan, parang nadaanan na namin noon pero 'di ko lang maalala.

"You'll see."

Humikab ako sa antok. "Pwede ba 'kong matulog muna?"

Tumango lang siya at nanatiling tutok ang mga mata sa daan. Nagkibikit balikat ako at umayos ng upo para maging komportable sa pagtulog.

Nagising ako nang pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Pagdilat ko ay bumungad ang mukha ni Warren na ilang sentimetro lang ang layo sa akin.

"Uhm.. We're here." awkward niyang sabi nang makaatras siya palayo sa akin.

Hindi niya na hinintay pang makapag-salita ako. Lumabas na siya ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

"Thanks." mahing usal ko nang tinulungan niya akong makababa ng sasakyan.

Pagtingala ko ay bumungad sa akin ang kadiliman. Malaking bahay ang nasa harap namin, naaaninag ko pero hindi ko makita ng malinaw ang itsura ng bahay. Gayun pa man, siguradong nakapunta na ako rito dati.

"Walang tao ngayon. Pinaalis ko sila." Hinawakan niya ang kamay ko at inakay ako patungo sa pinto ng bahay.

"Ha? Bakit?"

Hindi niya ako sinagot. Binuksan niya ang pinto gamit ang susi na galing sa bulsa niya.

Pagpasok namin at pagbungad ng liwanag ng bahay, naalala ko na.

"Anong ginagawa natin sa bahay nila William?"

"Come on." Hinatak na naman niya ako, paakyat ng hagdan. Lumiko kami sa pasilyong puro pintuan ng mga kwarto. Nilagpasan namin yung kwarto kung saan ko nakita yung wedding picture namin.

"Open it." Tukoy niya sa pintuan kung saan kami huminto.

"Ano ba 'to?" Naguguluhan kong tanong. Kung aamin siya, bakit hindi yung kwartong may picture namin ang ipakita niya?

Pumikit siya ng mariin. "Just open it, please."

Tumango ako bago ko binuksan ang pinto. Kinapa ko ang switch ng ilaw at bumungad sa akin ang kwartong punong-puno ng regalo.

Hindi na ko nag-hintay ng permiso para pumasok. Ang mga paa ko ay kusa nang naglakbay para usisain ang mga misteryong regalo.

Kinuha ko ang isang maliit na kahong nakabalot ng gift wrapper. Nakapatong ito sa dalawa pang kahong malalaki na nakabalot din. Binasa ko ang nakasulat.

'Happy twenty-fourth birthday, baby! I miss you so much!

Love,
Warren'

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Nilingon ko si Warren na tahimik na nagmamasid sa akin.

Hindi ko muna binuksan yung regalo. Linapag ko siya sa pinagkuhaan ko at naghanap na naman ng iba pang may sulat. Kinuha ko yung isang parihabang malaking kahon. Hindi na 'ko nag-abala pang buhatin ang regalo, kinuha ko na lang yung sticky note na nakadikit dito.

'Today is a special day because it's my birthday and our wedding anniversary at the same time. Happy third anniversary, Mrs. Lazares! I'm looking forward to a thousand more years with you. I love you so much.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon