XXIX

277K 4.4K 102
                                    

Chapter Twenty-Nine
 
 
Pagdating namin sa mansyon ng mga Lazares ay bumungad sa amin ang malaking banner na may nakasulat na Welcome Home Mommy! at Happy 4th Birthday To Me! sa baba niyon.

Kumunot ang noo ko. "Birthday ni Wayne?" 

Natampal ko ang noo ko nang maalala ang sagot ni Wayne nang tinanong ko siya kung kailan ang birthday niya para kompyutin kung kailan ako nagbuntis.

Masuyong ngumiti sakin si Warren sa kabila ng frustration ko. "Wayne understands." 

Tinitigan ko ang anak kong tulog pa rin ngayon at buhat na ni Warren.

"On his third birthday, hiniling niyang makasama ka na sa fourth birthday niya. He's too happy that you're here to be mad at you for forgetting it's his birthday today."

"'Wag mo na isipin 'yon, okay? Ang mahalaga kasama ka na namin ngayon." patuloy niya nang nanatili pa rin akong walang imik at nasa malalim na pag-iisip.

Marahan akong tumango.

"Hey, baby, wake up." masuyong paggising ni Warren kay Wayne. "Everyone's waiting for you inside."

"'Antok pa 'ko, dad." nakapikit pang tugon ng bata.

"Come on Wayne, they cannot start the party without you." Pagkarinig sa salitang party ay dali-daling nagpababa si Wayne na ikinatawa namin.

"My costume party! Yehey! Let's go!" excited na hatak niya samin sa magkabila niyang kamay. Kaya pala siya ipinagsuot ni Warren ng Spiderman costume. 

Bumulaga sa akin ang ilang hindi pamilyar na mukha sa loob. Ang parents ni Warren, si mama, ang pinsan ni Warren na si Liam at ang girlfriend nitong si Lian, si tito Will at si tita Ces lang yata ang kilala ko. Ang lahat ng mga naka-costume na bata na umattend ay hindi ko kilala, maging ang mga kasama nila.

Una naming nilapitan sila mama na nagkakatuwaan sa isang lamesa.

"'Andito na sila!" masayang usal ni tita Cecile nang makita kaming papalapit sa kanila. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at magiliw na nilapitan ang apo.

"Happy birthday, baby boy!" Pinugpog niya ng mumunting halik ang mukha ni Wayne na ikinasimangot nito.

"Grandmom, I'm no longer a baby." nakakunot ang kilat na sabi nito habang nakapameymang pa.


"You will always be our baby." natatawang asar ni Liam.

"Argh! No way! I'm a big guy na!" napipikon na sagot ni Wayne. "Get tita Lian pregnant so you can have your own baby." dugtong niya na ikinatawa ng lahat.

"It's my birthday. Everyone has to agree to what I say." ani Wayne. Para siyang hindi four-year old kid kung makapagsalita sa tono ng kanyang boses pero kung titignan mo yung mukha niya, manggigigil ka sa sobrang cuteness.

"Okay, baby." natatawang sabi ko habang pinanggigigilan ang kanyang pisngi.

Nakangusong tiningala niya 'ko. "'My naman, eh.." Lumabi siya.

"What? You're my baby." Humagikgik ako.

Sumimangot siya. "No, I'm your hero."

"'Tong batang 'to talaga. Inagawan pa ako!" singit ni Warren. "Go and play with your friends, birthday boy." Ginula niya ang buhok ni Wayne.

"Okay! Bye for now!" Paalam niya sa mga nakakatanda bago umalis.

Mabilis na pumaikot ang braso ni Warren sa baywang ko. "He doesn't like to be called a baby anymore. Kailangan na natin siyang sundan." aniya sa tapat ng tenga ko pero sa malakas na boses kaya paniguradong narinig nila.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon