XI

368K 5.9K 337
                                    

Chapter Eleven
     
       
"Good morning, ma." bati ko sa mama ko na naabutan kong nagluluto ng almusal.

"O, anak. Late yata ang gising mo ngayon. Hindi ka ba mahuhuli sa trabaho niyan?" takang tanong niya.

Sumimangot ako. "Nagpapasama po si Warren sa meeting niya sa Laguna."

Tumawa siya. "Bakit parang ayaw mo?" pang-uusisa niya na lalo kong ikinasimangot.

Imbes na magsalita pa ay lumapit ako sa kanya para sana palitan siya sa pagluluto pero tumanggi siya. "Mabuti pa gisingin mo na lang si Warren. Alam mo naman ang batang yun, kapag nakahiga na't natutulog ay ayaw ng bumangon."

"Hindi na po nay, baka gising na yun. Nag-set naman po siguro siya ng alarm para hindi mahuli ng gising." naiilang kong sagot.

Ilang taon na rin akong hindi nakakapasok sa kwarto ni Warren, nakakahiya na kung papasok ako sa kwarto niya ng walang pahintulot. Hindi tulad noon na labas-pasok ako sa kwarto niya kahit walang paalam. At isa pa, bitter ako sa kwarto niya.

"Anong gising na? Kung gising yun, 'di sana ay nandito na siya. Naku dalian mo Mary Claire at baka mahuli pa kayo sa lakad niyo." ani mama habang nakapameywang pa.

Ngumuso ako bago tumayo at naglakad na papunta sa kwarto ni Warren. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto niya, pinihit ko na ang doorknob nang 'di siya sumagot. Bumukas ang pinto.

Inilibot ko ang aking mga mata sa pamilyar na kwartong iyon. Ang kulay ng pader, kurtina, panlalaking amoy ng kwarto pati ang pagkakaayos ng mga gamit ay ganoon pa rin. Walang pinagbago. Apat na taon na akong hindi pumapasok dito dahil ang huling araw na pumunta ako rito ang siyang pinakamasaya at pinakamalungkot na pananatili ko sa loob ng kwartong ito.

Dumako ang mata ko sa lalaking natutulog ng mahimbing sa isang king-sized bed. Napangiti ako, sa itsura niya ngayon, para ngang wala siyang balak gumising. Balot siya ng kumot hanggang leeg, may unan pang nakatakip sa mukha niya.

"Hoy Warren, gising na." usal ko nang nakalapit na 'ko sa gilid ng kama. Tinanggal ko ang unan na nakatakip sa mukha niya nang 'di siya sumagot.

"Hoy, gising!" sabi ko habang sinusundot ang pisngi niya. Umungol lang siya at hinawakan ang kamay kong paulit-ulit sa pagsusundot sa kanyang pisngi bago tumagilid ng higa.

Napalunok ako. Bakit gano'n? Kamay ko pa lang ang hinawakan niya pero ganito na ang epekto sakin? Sa simpleng paghawak niya lang sa kamay ko ay napapabilis na niya ang pagtibok ng puso ko.

Binawi ko ang kamay kong hawak niya at niyugyog siya ng malakas sa balikat."Wake up! Wake up!"

Tumagilid siya ng higa ulit. This time, nakaharap na sakin. Nakita kong dumilat saglit ang mga mata niya at tumingin saglit sa akin bago siya pumikit muli.

"Five more minutes, baby.." wika niya sa namamaos na tinig.

Napalunok ako. Ang sexy pakinggan ng boses niya sa umaga. At ang endearment niya sakin noon pa man. Hindi ko alam bakit siya ganyan, lagi niya akong pinapaasa.

"Gumising ka na nga." Hinampas ko sa kanya ang unan na nakatakip kanina sa mukha niya. Nahaluan na ng inis yung simpleng paggising ko sa kanya dahil naalala ko na naman yung nakaraan. Bwisit!

Nabigla ako sa sunod niyang ginawa, hinila niya ng malakas ang mga kamay ko. Sa sobrang gulat ko ay nawalan ako ng balanse kaya natumba ako sa kama. Sa tabi niya. Naramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa baywang ko. Marahan niyang ikiniskis ang ilong niya sa akin habang nakapikit siya at nakangiti. Dumoble ang tibok ng puso ko. 

Aatras sana ako para umiwas, hinawakan ko siya sa dibdib para kumuha ng pwersa pero na-stuck na ro'n ang kamay ko ng naramdaman kong wala pala siyang damit.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon