Chapter Twenty-Two
Mula nang naikumpirma ko kay Cedric ang sakit ko, iniwasan ko si Warren. Syempre hindi naman maiiwasan na magkita kami o mag-usap dahil boss ko siya at committed ako sa kanya, pero yung pagtrato ko sa kanya, may gap, parang may wall na nakapagitan sa'ming dalawa.
Hindi na namin napag-usapan yung sagutan namin sa coffee shop kung saan kami nagkita ni Cedric noon.
Ang walangyang instik na 'yon! Kaya pala may 'I love you too' at 'I'll miss you too' siyang sinabi, kasi trip niya na naman kami ni Warren. Sinadya pa niyang iparinig 'yon.
Pwede ko namang ilinaw kay Warren ang tungkol do'n pero hinayaan ko na lang, t'saka hindi naman na nagtangkang mang-usisa si Warren tungkol do'n. Mamatay siya sa kakaisip na niloloko ko siya kahit siya naman talaga 'tong manloloko.
Tuwing umaga, inaagahan ko talaga ang pagpasok sa trabaho para hindi kami magsasabay sa pagpasok.
This past few days naman, sunod-sunod yung luncheon meeting niya. Dati kasi, tuwing a-attend siya ng ganun, light meal lang yung kakainin niya para makakain pa rin siya at masabayan niya ako. Hinihintay ko siya 'pag ganun pero ngayon, tuwing magpapaalam siya para sa meeting, hindi ko na siya hinihintay, derecho na 'ko sa canteen.
Pero sa pag-uwi, hindi ko siya matakasan. Minsang nanadya akong magpatagal sa trabaho, matyaga siyang naghintay. Minsan namang inagahan ko yung pag-uwi, itinigil ko agad yung ginagawa ko at pinagpapasyahang ituloy na lang bukas, gagaya rin siya para lang makasabay ako. Tulad na lang ngayon.
"What time will you leave tomorrow morning?" tanong niya pagtapat namin sa pinto ng kwarto ko. Grabehang hatid, 'di ba?
"Uh, I don't know. Seven? Eight?"
Definitely six. Ang umpisa kasi ng work ko ay 8:45. Seven to eight ay may tsansa pang maabutan niya 'ko kaya kailangan kong magtyaga sa paggising ng maaga at tumunganga sa office ng ilang oras kung gusto ko siyang iwasan.
"I got up earlier at six and you were nowhere to be found. Your car wasn't there too."
Ngumiwi ako, "Medyo napaaga lang kanina kasi traffic banda sa Edsa."
"Also yesterday and the day before yesterday and the day before that." Ngumuso siya.
"Ah. Eh, kailangan maaga kasi marami akong gagawin sa office." Masyadong lame yung dahilan ko. Halos wala na ngang ibigay na trabaho sakin si Warren, eh.
"You could have told me. Sobra ka na bang nahihirapan sa trabaho mo? Pwede namang hindi na kita bigyan ng gagawin pero may sweldo ka pa rin. O kaya ibalik mo na lang sakin yun mga in-assign ko sayong paperworks, ako na lang ang gagawa." Pinulupot niya yung mga braso niya sa baywang ko na ikina-panlambot ng mga tuhod ko.
Tumawa ako ng bahagya. "Sira ka ba? Hindi pwede yun, 'no. Edi ikaw naman yung mapupuyat sa pagod? Kaya ka nga may secretary, eh."
"It's okay, as long as you are not. And besides, you're not just my secretary, you're my girlfriend, my fiance, my life, my everything.." Dama ko yung paghinga niya sa leeg ko. Bumaling ako pakaliwa para hindi gaanong magkadikit ang mga balat namin.
Yes, Warren. I'm not just your secretary, I'm your wife. Goddamn wife who doesn't have any idea until I found out about it. How could you hide it from me?
Gusto kong sabihin ang mga katagang 'yon pero hindi ko magawa.
Nanatili akong walang kibo.
Humiwalay siya mula sa pagyakap sa akin at ipinaloob ang aking mukha sa kanyang mga palad. "I'll see you tomorrow. Make sure you won't leave me behind, alright? I'll be waiting for you at seven."
BINABASA MO ANG
He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)
Ficção GeralNow available in Shopee and all bookstores nationwide. Please grab a copy for only P150.00.☺️
