XLVII

245K 3.8K 268
                                    

Chapter Forty-Seven
 
 
"Will you be okay here?"

Tumango ako at nilibot ulit ng tingin ang studio type na condo na titirhan ko mula ngayon. Masyadong maliit 'yon pero sakto na para sa isang tao. May isang built-in closet at bed frame at foam bed. Wala pang kahit isang gamit bukod sa mga iyon.

"I have few appliances na hindi ko ginagamit. Dadalhin ko lang muna dito." ani Richard at akmang lalabas na ng unit ko nang pinigilan ko.

"Hindi na. Bibili na lang ako." Humugot ako nang malalim na hininga at kinalkula sa isip ang mga nagastos ko sa bayad ng upa para sa condo at mga gagastusin ko pa.

"No, I insist. Hindi ko naman ginagamit, sayang lang. Pwede mo naman pakinabangan." Ngumiti siya.

Sa bandang huli ay pumayag na rin ako. Kahit paano ay malaki na rin ang matitipid ko dahil hindi ko na kailangang bumili pa ng electric fan, electric stove, cooking pan at iba pang cooking appliances. Kung tutuusin ay pwede ko namang kunin na lang ang mga gamit ko sa apartment ko at ilipat na lang dito, may mga groceries pa ako do'n at ilang damit, pero natatakot ako sa posibilidad na baka magkita kami ni Warren doon.

But who am I kidding? He won't chase after me, not when I left Wayne in his custody.

I felt a pang in my chest at the thought. Masakit pa ring isipin na wala na ang lahat pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan. I have no one left for me except from a broken heart. Everything is gone with just a blink of an eye. Even the most precious gem I treasure, even Wayne.

Hindi ako nakatulog kakaisip kung ano ba ang tamang hakbang na gagawin ko. That one step that would push me up and not drag me down. At nauwi ako sa planong pansamantalang iwan si Wayne. Hindi dahil hinihila niya ako pababa kundi dahil 'pag magkasama kaming dalawa ay siguradong hihilahin siya ni Warren mula sa akin. And that would give me no escape and no progress.

Madaling araw na nang nagpasya akong sundin ang planong 'yon. Inistorbo ko si Richard para ma-contact ang may-ari ng condo unit dahil kailangan ko na ng agarang malilipatan. Buti na lang at kaibigan niya ang dating may-ari kaya malakas ang loob niyang istorbohin din ang tulog niyon.

Eksaktong alas sais ng umaga ay umalis ako dala-dala ang maliit na maleta na naglalaman ng mga damit at iba pang gamit ko. Iniwan ko ang cellphone ko sa night table ni Wayne kasama ang maikling note.

Your troops need you.

'Yon lang. No I love you's and no goodbyes. Ayokong mag-I love you dahil ayokong isipin niya na 'yon na ang huling beses na sasabihin ko sa kanya iyon. Ayokong magpaaalam dahil alam kong babalik ako.

Someday, when I'm stable enough, financially and emotionally. Kapag alam kong kaya na ng pera kong ipanalo siya sa korte at kapag kaya ko nang makipagbatuhan ng matatalim na tingin at salita kay Warren nang hindi nasasaktan.

Nang matapos ako sa paglilinis at pag-aayos ay nag-shower ako at naghanda para sa pagbili ng groceries, maliit na refrigerator, unan at bed sheets. Bibili na rin ako ng cellphone at sim. Yung mura lang para tipid.

Dapat ay kasama ko si Richard sa pamimili dahil mapilit siya pero pinilit ko ring tumanggi. Gusto kong mapag-isa. Masyado ko na rin siyang naistorbo kaya tama lang na ako nang mag-isa ang gumawa nito. Hindi niya sinabing may trabaho siya ngayon buti na lang at may business partner siyang tumawag sa kanya kaya tuluyan ko siyang naitaboy.

Umabot rin ng ilang libo ang nagastos ko para sa ilang gamit lang. Ang laki na nang nabawas sa ipon ko sa bangko dahil sa ilang ulit kong pagwi-withdraw para sa pambayad ng mga gastusin. Kailangan ko nang maghanap ng trabaho para mabawi ang lahat nang nawala sakin.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon