XLII

196K 3.5K 139
                                    

SPG: L
 
 
Chapter Forty-Two

 
Suminghap ako at nanatiling tahimik habang tahimik lang rin siyang sinusuri ako ng tingin. Sinikap kong pigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

Bakit ba ako umasa? Marami mang tanong sa isip ko na walang kasagutan, malinaw naman ang katotohanan na hindi na ako ang mahal niya.

"What's with the long face? Aren't you happy? Hindi ako maghahabol sayo. Kahit sampu pang lalaki ang ikama mo." Ngumisi siya ulit.

"Masaya ako. Sobrang saya ko nga, eh." Tumawa ako ng pagak.

Tumiim ang titig niya. "Dahil hindi ka na mahihirapang makipaghiwalay sa akin, 'di ba?"

Nginitian ko siya ng matamis para itago ang mga luhang gusto nang kumawala. "Oo naman. Para pwede na akong magpakalayo-layo kasama ang dalawang importanteng lalaki sa buhay ko."

Ngumiti rin siya pabalik, ang sarap sakalin ng leeg niya para maalis ang ngiting 'yon. O pwede ko ring sapakin siya para mabungal at mahiya na siyang ngumiti pa ulit.

"Akala mo makakalayo ka sakin? Hindi ko hahayaang ilayo mo sa akin ang anak ko." Padaskol siyang tumayo at nilapitan ako. Inatake na naman ako ng kaba sa isiping sasaktan niya ulit ako.

"Baliw ka! Magpakasaya ka na lang kasama si Rachel at bumuo kayo ng sarili ninyong pamilya! Kayo na lang ang magpakalayo-layo! Mga hayop kayo!" Hindi na ako nakapagpigil at pinaghahampas ko na siya sa dibdib.

"At kami pa ang mag-aadjust para sayo? Hindi ko iiwan ang anak ko sayo!" asik niya habang pinipigilan ang mga kamay ko. "Hindi ko hahayaang makuha mo siya sakin kaya umalis ka na lang kasama ang intsik na unggoy mo! 'Wag ka nang babalik dahil ayoko nang makita ang pagmumukha mo!"

"Gago ka, Warren. Mamatay ka na!" Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng mga luha ko. Umiiyak na ako habang pumipiglas sa mahigpit na hawak niya. 

"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya?"

Gago ka ba? 

Nang hindi pa rin ako makawala sa mahigpit na hawak niya ay sinipa ko siya sa pagitan ng mga hita niya. Nagtagumpay naman ako dahil napabitaw siya sa akin at namilipit na sa sakit. "Bagay sayo 'yan! Mabaog ka sanang leche ka!"

"Pagbabayaran mo 'to!" sigaw niya habang hindi malaman ang gagawing paghawak sa pagitan ng dawang hita niya.

"At ako pa ngayon ang kailangang magbayad? Bwisit ka! Kulang pa nga 'yan sa lahat ng kasalanan mo sa'kin, eh!" ganting sigaw ko habang nagpupunas ng luha. Gusto ko pa sanang sipa-sipain siya at tadyakan sa tiyan pero hindi ko maatim.

"Wala akong kasalanan sayo!" galit na asik niya bago pinagtuunan ulit ng pansin ang alaga niya. "Tang'na, ang sakit!" Napatda ako nang nakita kong lumalandas na pala ang luha sa pisngi niya.

Tumalikod ako para hindi ako panghinaan ng loob. Hindi pwedeng maaawa na naman ako. Lintik sila! Ano walang ganti-ganti? "Maghiwalay na tayo. I want an annulment." Halos bulong na lang na sabi ko.

Is this really happening? Can I really do this?

Of course, I can. Basta nandiyan si Wayne. "At sakin dapat mapunta ang bata."

"Asa ka. Hindi ko hahayaang lumaki ang anak ko kasama mo! Baka matulad pa ang ugali niya sayo!"

Nagdilim ang mukha ko't hinarap ko ulit siya para bigyan ng sampal. "Shit ka! Fvck you! Bakit ba kita minahal? Nakakasuka, bwisit!"

"Mas nakakasuka kang mahalin! Lumayas ka na! Ako pa mismo ang magpa-file ng annulment! Hindi pala kailangan ni Wayne ng mommy na katulad mo! Kung alam ko lang ay sana noon pa kita hinawalayan!" Tumalim lalo ang titig niya na para bang pinapatay niya na 'ko sa isip niya habang sapo niya ang pisnging sinampal ko.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon