XLIX

291K 3.5K 251
                                    

Chapter Forty-Nine
 
  
I woke up with a weird feeling that this day would be a great one. But when I felt the weight of someone's leg wrapped around mine and strong arms snuggling me, I knew then that the feeling is no longer weird but familiar.

I opened my eyes to welcome the moment I've been waiting for. This is it, this is my break. Break from all the agony, pain, broken heart and broken dreams. This will be my new beginning.

"Hey.."

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang pamilyar na baritonong tinig na mas hot pa sa sikat ng araw sa umaga.

Napangiti ako sa kabaliwang tumatakbo sa isip ko. "Hey.."

"I missed you." nakangiting sabi niya.

I just melted. Hindi ko alam na posible pa palang mangyari 'to after everything that had happened. Well, sana lang ay tama ang ginawa kong pagsugal.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko na lang.

"Yup." Lumawak ang ngiti niya. "I've been waiting for you to wake up."

Tahimik ko siyang inobserbahan at napansin kong nakaligo na siya at nakapagpalit. He must have got his clothes from his car he saves in case of emergency.

"Hindi ka nagugutom? Gutom na ako, eh."

"Wow." Humalakhak siya.

Bago ko pa man maisip kung ano ang dahilan ng pagkamangha niya ay nagsalita siya ulit. "Wait here. Ipagluluto lang kita. Ano'ng gusto mo?"

Nangingiting umisip ako ng gusto kong kainin. Gusto ko ng malambot at maputing pagkain. Nakakatakam.

Tinaasan niya ko ng kilay sa tagal kong mag-isip pero nakaangat naman ang sulok ng kanyang labi na parang nangingiti.

I smiled widely. "Gusto ko ng siopao na walang kahit anong palaman, ayoko rin no'ng may kulay red na tuldok sa ibabaw. Dapat plain white lang. Tsaka champorado na kulay white."

Nabigla ako nang humalakhak si Warren. Iniinsulto niya ba ang gusto ko? Napanguso ako.

"Champorado na kulay white? Baby, is that even possible?" nakangisi niyang tanong. He looked charming yet parang nang-iinis siya sa paningin ko.

Umirap ako. "Hindi na. Hindi na lang ako kakain." naiiritang sabi ko.

"Hindi na. Hindi na lang ako kakain." he mimicked the way I talked and I got more irritated.

"Bwisit ka. Umagang-umaga, eh."

He smiled. "I find this kind of argument cute." And then he turned serious. "Sa susunod na guluhin na naman tayo ni Rachel, awayin mo lang ako lagi. Sisihin mo ako, saktan mo ako. It's okay, just don't give up on me like that." 

"Funny how you can say that when you were the one who kept on hurting me, accusing me things and such." Hindi mapigilang sabi ko. Alam kong naayos na namin 'to kagabi pero hindi ko mapigilang sabihin ang nararamdaman kong pagtatampo.

"I'm sorry. First and last na yun. Hindi na mauulit." Binigyan niya ako ng magaang halik. "For the mean time, while I'm preparing your breakfast, talk to our little ball of happiness to brighten up your day." Binigay niya ang cellphone niya sa 'kin bago walang pagmamadaling bumaba ng kama at naglakad ng ilang hakbang papuntang kusina.

Nang in-unlock ko ang cellphone niya ay bumungad ulit ang stolen picture namin ni Wayne. Hindi ko mapigilang sipatin siya ng tingin tuwing nakikita ko ang wallpaper niyang iyon. I find it ridiculous and sweet at the same time.

Siguro nga ay gawa lang ni Rachel ang lahat ng naging gulo. Because why would Warren set our picture as his wallpaper? It couldn't be just for show or a part of his act kasi wala namang ibang humahawak ng phone niya. But it doesn't matter now. Maliit na bagay lang ito na hindi na dapat pang palakihin. And besides, the moment I took another chance with Warren was the moment I let all my doubts for him go. This is our new beginning. I have to keep that in mind.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon