XXXIX

193K 3.3K 200
                                    

Chapter Thirty-Nine


Nakasakay na kami sa kotse ni Grace para ihatid ako sa main branch ng N'importe, ang hotel na tinutuluyan namin ni Warren ngayon na pag-aari nila.

Naubusan na yata kami ng bagay na pagke-kwentuhan dahil wala nang nagsasalita. Ang tunog lang na nanggagaling sa car stereo ang pumupuno ng katahimikan. Noon ko lang naalalang tignan ang cellphone ko.

Nabigla ako sa 53 missed calls at 46 messages na bumungad sa screen.

Ang mga missed calls ay galing kila mama at tita pero karamihan ay kay Warren. Gano'n din sa mga messages.

From: Tita Cecile

Where are you, hija? Warren has been worried about you. Answer our calls please.


From: Mama

Bakit mo naman iniwan ang asawa mo ng walang paalam? Umuwi ka na.

Napailing na lang ako sa text ni mama. Kahit kailan talaga, sa inaakto niya sakin ay para namang inaaragrabyado ko lagi si Warren. Kung alam niya lang, ano!

Hindi ko muna sila ni-reply-an at nagbukas pa ako ng mga messages na sunod-sunod na galing kay Warren.

From: Warren

Where are you?


From: Warren

Why did you leave without telling me?


From: Warren

It's our first day! Goddamnit! Answer my calls!

From: Warren

Answer my calls. Please. I'm worried.


Ang dami-dami pang messages na natira galing sa kanya pero hindi ko na binasa. Bababa na lang naman ako ng sasakyan, aakyat ng elevator at magkikita na kami.

"I'll text you later after I talk to Cedric, okay? Bye!" ani Jane. Buti na lang at natapos ang pag-uusap namin nang hindi nag-aaway at nagsasang-ayunan ng mga plano.

"Okay. Bye!" Nilingon ko si Grace na nasa driver seat bago maisara ni Jane ang windshield ng kotse sa gilid niya. "Bye, Grace! Ingat sa pagda-drive."


Habang nakasakay na ako sa elevator ay tumunog ang ring tone ng cellphone ko. Tinignan ko iyon at bumungad ang pangalan ni Warren. Hinayaan ko na lang at hindi ko na sinagot dahil magkikita na rin naman kami.

Huminto rin ang tawag nang bumababa na ako ng elevator, kaso ay tumunog ulit 'yon nang naglalakad na ako sa corridor ng floor ng hotel room namin. Hanggang sa makatapat na ako ng pinto ay tumutunog pa rin iyon. Nagpasya akong sagutin na lang ang tawag dahil wala akong susi. Ang keycard kasi ng room ay nakalagay sa keycard switch.

"Hello?" sagot ko sa kabilang linya.

"Where the hell are you?" ani Warren sa blangkong boses.

Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at nang masigurong naka-lock iyon ay saka pa lang ako sumagot. "Pakibukas ang pinto."

Wala pang isang minuto ay bumukas na iyon. Bumungad sa akin ang galit na tingin ni Warren habang ang isang kamay ay hawak pa ang cellphone sa tainga niya.

Binababa ko ang tawag bago ko siya nilagpasan at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Nabangga ko pa ang matigas na braso niya. Hindi man lang kasi siya natinag sa kinatatayuan niya.

"Nice." aniya habang nakaharap pa rin sa sarado ng pintuan.

Nang nakaupo na ako sa kama ay saka pa lang siya umikot paharap sa akin. "Where have you been?" Halata ang inis sa boses niya.

Nag-iwas agad ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa mga mata niyang parang nagbabato ng patalim sa akin.

"Kasama ko sila Jane. Kumain lang kami." Walang gana kong sagot.

"Wow. So sila lang ang kasama mo sa unang araw natin--"

"Bilang mag-asawa? Alam nating dalawa na hindi ito ang una kaya 'wag ka nang umarte d'yan." Hindi ko mapigilan ang galit ko. Bakit ba kailangan niya pang umarte at doblehin ang panloloko sa akin?

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon