XXXV

201K 3.4K 104
                                    

Chapter Thirty-Five

 
"Mommy, wake up." rinig kong gising sa akin ni Wayne sabay sunod-sunod na tampal sa aking balikat.

Pupungas-pungas kong minulat ang mga mata kong siguradong namumugto.

Tinaboy ko ang malulungkot na ala-ala na gugulo na naman sa isip ko at sinikap na ngumiti. "Good morning, baby."

Ngumuso siya. "Bangon na po. You'll be late na po for your own wedding."

Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya. "You seem excited."

"I am po. I'll be a little groom now." Tumawa siya.

Ngumiti ako. Buti na lang at nagpasya akong ipagpatuloy ito.

Sinipat ko si Wayne at napansin kong nakabihis na pala siya. Indeed, he is excited. He wore a smaller copy of Warren's suit. He looked like a smaller version of Warren and I don't know if I should be happy about that.

"'My, sasabay na lang ako kay mama papuntang church." tukoy niya sa mama ko.

Kumunot ang noo ko. "Nand'yan siya?"

Tumango siya. "She's with the make up artists po."

"Okay pero kumain ka muna, ha?" Bumangon ako at inayos ang kama ni Wayne.

"Okay po." aniya bago lumabas na ng kwarto.

Pumasok na rin ako sa banyo ni Wayne. Kailangan kong magmadali para makausap ko si Mama bago pumunta ng simbahan. I need her advice.

"Nasaan sila?" tanong ko sa dalawang babae na nakaupo sa sofa habang bumababa ako ng staircase.

Sabay pa silang napatayo sa gulat. "Umalis na." sagot ng babaeng kulay itim ang lagpas balikat na wavy na buhok.

Nadidismayang nilapitan ko sila. "Kanina pa ba?"

"Oo. Anong oras na rin kasi." alanganing sagot niya.

Sinipat ko ang relo at nakitang alas nueve na pala. Nagkibit lang ako ng balikat at nagpasyang unahin ko muna ang mga bisita. Ano naman ngayon kung mahuhuli ako sa kasal ko?

"Kumain na ba kayo?" Umiling silang dalawa.

Lumabi ako. "Any refereshments you like?"

"Mawalang galang na po ma'am pero 'pag 'di pa natin binilisan ay male-late ka na sa kasal mo," sagot ng isa na napagkamalan kong babae.

Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang. Ano'ng pangalan mo?"

Humalakhak siya. "Charotera ka 'te, ah? I'm Kim." aniya sabay lahad ng kamay.

"Ano ba, Kim? Kanina pa nga tawag ng tawag si sir Warren, eh." awat ng isa sa huntahan namin.

"Okay lang. Mukhang ayaw niya namang ikasal eh, kami na lang ni sir," aniya sabay halakhak.

Ngumiti lang ako.

Nagsimula na rin ang ginawa nilang pag-aayos sakin. Si Kim ang nagme-make up sakin at si Liza naman ang nag-aayos ng buhok ko.

"Ano bang ginawa mo sa mga mata mo? Bakit mugtong-mugto?" usisa ni Kim.

"Ewan. Paggising ko ganyan na 'yan." Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi sa pagsisinungaling.

"At ang eyebags? Naku! Pasalamat ka pretty ka pa rin." aniya na ginantihan ko lang ng ngiti.

"Aminin mo nga, forced marriage ba ito?" usisa niya ulit kapagkwan.

"Kim! Tumigil ka nga d'yan!" awat ni Liza bago ako binigyan ng tinging nanghihingi ng paumanhin.

Umiling lang ako at nagpaskil ng tipid na ngiti. Halatang nangangati siyang magbato pa ng mga tanong pero pinili na lang na manahimik.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon