"Mahal ko po si Aza—" putol na sagot ni Moon.
"Ano nang mayroon sa inyo?" tanong muli ni Sariya.
"Mahal ko rin po si Moo—" putol ring sagot ni Azarea.
"Ano na ngang mayroon bukod sa mahal na ninyo ang isa't-isa?" nanunuksong tanong ni Sariya.
"Kasintahan ko na ho siya, ina," nakangiting sagot ni Moon na ikinapula naman ni Azarea.
"Nanligaw ka pa naman ba, anak?"
"Araw-araw ko ho siyang nililigawan at liligawan," prenteng sagot naman ni Moon habang si Azarea ay nakatingin lamang dahil hindi naman nito alam kung ano ang ligaw na tinutukoy ng mag-ina.
"Tiyak akong natutuwa ang iyong ama dahil sa kauna-unahan mong kasintahan," tuwang-tuwang sambit pa ni Sariya sa anak.
"Syempre naman ina, kahit na gwapo kami ay matapat naman kami," may pagmamalaking tugon ni Moon.
Humikab naman si Azarea at napansin ito ni Moon.
"Malalim na ang gabi, sa tingin ko ay kailangan na nating matulog," suhestiyon ni Sariya.
"Inaantok na rin ho ako," nakangiting saad naman ni Azarea.
"Tara na ho," dagdag pa ni Moon at saka niyakap ang dalaga at ang ina bago pumunta sa sarili niyang kwarto.
Nang tuluyang makapasok si Moon, gayak na papasok na si Azarea sa silid niya nang bigla siyang yakapin ni Sariya.
"Salamat, sobra mong napasaya ang anak ko kahit na alam kong mas magiging mahirap sa inyong dalawa ang lahat," masaya ngunit may halong lungkot na sabi ni Sariya.
"Handa ho akong magsakripisyo, ina. Handa po akong tanggapin ang sakit na dulot ng pag-iibigan namin," malungkot na sagot naman ni Azarea.
"Hinding-hindi ako magagalit sa iyo kung masaktan mo ang anak ko kapag dumating na ang panahon na iyon dahil alam kong ayaw mong mangyari iyon pero wala kang magawa," nakatungong dagdag pa ni Sariya.
"Salamat ho sa pag-intindi sa aking kalagayan, ina. Tama ho kayo, mas mabilis ang araw kapag nagiging masaya pero pinili ko hong maging masaya na lamang kaysa mawala akong malungkot."
"Hanga ako sa iyo, Azarea. Napakatatag mo at naaawa rin ako dahil hindi mo dapat nararanasan ang bagay na iyan."
"Nais ko hong magalit sa inang reyna dahil sa ginawa niyang parusa. Gusto ko hong magalit at tanungin kung bakit sa akin ipinataw ang parusang ito ngunit mahal ko rin ho ang aking ina kaya handa ho akong pagbayaran ang kasalanan niya," mapaklang sagot ni Azarea.
"Napakaswerte ng iyong ina dahil mayroon siyang kagaya mo at napakaswerte ko dahil nakasama ko ang isa sa pinakamabait na anak sa mundo," nakangiting sambit ni Sariya.
"Napakaswerte ko rin ho ina dahil nakilala ko ang pinakamabait na ina sa mundo," ganti ni Azarea.
"Batid kong inaantok ka na, anak, kaya magpahinga na tayo."
"Sige ho, ina."
Niyakap muna nila ang isa't-isa at saka naghiwalay ng landas.
Kinabukasan, maaga silang nagising para sa panibagong araw. Naatasan si Azarea na maggayat ng papaya na isasahog sa tinola kaya agad na kumuha si Moon ng papaya sa likod ng kanilang bahay at saka ibinigay kay Azarea.
Ilang sandali pa ay nakita ni Moon si Azarea na tila nahihirapan sa ginagawa nito.
"Ako na lamang ang gagawa niyan, maupo ka muna kaya," nag-aalalang saad ni Moon.
"Hindi na, kaya ko ito. Hindi na naman ito bago sa akin," nakangiting sagot naman ni Azarea.
"Sigurado ka ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/248431523-288-k34268.jpg)
BINABASA MO ANG
Azarea [ COMPLETED ]
FantasíaSa isang natatago at mahiwagang mundo sa kanlurang bahagi ng Monasteria na tinatawag na Agoshopeia, magsisimula ang lahat. Bunga ng kasakiman ng reyna ng Agoshopeia, pinatawan siya ng mahigpit at malupit na parusa. Ang kaniyang anak ay dadalhin sa m...